Mga Post
Ipinapakita ang mga post mula sa 2014
Tuldok
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Napapanahon ang paglipad Upang ang malawak na lupa ay tumambad Makapal at manipis na ulap ay susuungin Parang agila na pilit na langit ay liliparin Mula sa taas doon makikita ang katotohanan Na ang problema sa lupa ay may kaliitan Maliit ga tuldok ngunit kay hirap buhatin Nararapat lamang na ito ay ating damhin Malawak na lupa, malawak na kalangitan Malawak na karagatang halos mundo ay higitan Ganito kalawak ang kamay na sa atin ay aakap Sa napakabigat na gatuldok na lagi nating buhat Ito ay isang aral na sa aking nabasa kamakailan nararapat na mula sa mata ng AGILA ay sundan Lumipad ng kaytaas , above the storm ay kumampay Pawiin ang suliraning sa ating kaluluwa ay nais lumatay Ga-langgam, sing liit ng alikabok ang mga salita Na lalatay sa ating ngalang SIYA ang may likha Lahat ay napapanunghan ng matang may AWA Mula sa itaas, iaabot ang KANYANG pagpapala
Daan
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Parang manhid na ang paa, ayaw nang humakbang Manhid na ang kamay , pagsulat ay may puwang Pagtitig sa isang bagay, sobrang kay lalim Ganoon pa rin ang katanungan, kailang lilipas ang dilim Tuloy ang pagtibok, wika ay ay tuloy lang Tulad ng pagdaloy ng dugo na walang patlang Kailangang gampanan, kahit pagod ay idinidiin tumindig, hinga ng malalim, yun na lang ang sundin Lakad, lakad, lakad lang, sa journey na nakalaan Lakad , lakad , lakad lang .....hanggang sa nararapat patunguhan
Palaka sa Ibaba
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Kailangan nga bang makipagtalo sa palaka Makilusong sa pond upang maki haka-haka? Kumokak, kokak manlait ng ilan Hanggang mapagod ang kumokokak na lalamunan Tanging nalalaman kahit ikaw ay mag kokokak HIndi naman titigil ang palakang buhay ay wasak Buhay na wasak ay hanggang doon lang sa pusali Dahil sa pangwawasak sa kapuwa na kanilang pinili
All is well
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
all is well. All is going according to plan. Trust that there is a bigger picture. Trust that life is unfolding as it should. Katanungan sa ating isip minsan nagsasalimbayan Halos hindi na maalis sa ating kaisipan Bakit ganoon? Bakit ganito? Anong dapat unahin Halos hindi na makakilos parang nasa dagat na madilim Bibig na mapanakit , nakangiti pang parang uwak Matang mapanghusga parang kuwago sa gubat na kay lawak Tengang kay linaw ngunit hindi makarinig Makarinig ng tama kundi sa dilim nakahilig Mayayamang mapang-api kaytalas ng bibig Sing talas ng bolo dugo ang nais lumabas hindi tubig Mukha ay nakatago sa ngiting walang katotohanan Ngunit ang totoo, hungkag na masaya naman ang kalooban Daliri ay laging nakaturo sa kapuwang nasa harapan Ngunit ang kamalian sa sarili ay di naman mabilang Magaling humusga talo pa ang Ama sa kalangitan Isang maling kabanalan, yun ang relihiyong walang katotohanan Hinga na lang ng malalim, all will be
Ang Piyesa ng Buhay
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Ang buhay ay parang isang malaking tugtugan Minsan sa pagharap sa pyesa ikaw ay natitigilan Natitigilan sa dami ng bilin na nakalagay "Sharps and Flats", matitinding suliranin sa buhay Sa bawat measure na iyong susuungin Kailangang maingat na ito ay hatiin May mga pangyayari sa buhay na sa iyo ay bibigla Accidentals at pangyayari na dimo inaakala Sa iyong paglakad habang nagbabasa ng tutugtugin May malulungkot na parte minsan ang sasagi sa damdamin Minsan ay may staccato na kailangang pagaanin Upang maging masaya naman ang buhay natin Sa paglalakbay sa buhay biglaang tempo ay masasalubong Gugulatin ka kapagdaka ay mawawala ang hugong Karamihan minsan ikaw ay magkakamali Ngunit gaya ng buhay ito ay dapat ituloy hanggang sa huli Sa pagkakamali sa notang nagbigay atensyon Maari namang iwanan ngunit ito ay magsisilbing leksyon Upang sa patuloy na paglalakbay sa pyesang nasa harapan Maiwasan at maitama ang dating kamalian Pagdatin
Silent Prayer
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Prayer is real only when done with your whole heart. Reserve the sound of your voice for other people. God hears only what's in your heart Blessing in disguise, isang paalala Kakatanggap ko lang ito kanina Wika nga, kahit hindi ibukas ang bibig Kapag tunay ang nasa puso ito tunay at kaibig-ibig Hindi na natin kailangang ipagsigawan ang ating dasal Kahit sing hina ng tibok ito ay dadatal Dinig ng Diyos ang ating hinaing Kahit ga- hinga lang, dinig niya ang ating daing Wika nga, ireserba na lang natin ang ating boses sa nangangailangan Boses ng pagtulong kahit tayo ay nasa gitna ng kadiliman Hindi na kailangang tayo ay magdasal at tumawag Kita niya na kahit sa gitna ng hirap, kapuwa natin ay hinaharap Bless other people, and God will take care of our needs Do your best to walk and do your good deeds God hears what is in our heart and our silent cry Kaya wag mag-alala, help other people, just give a try....
??
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Lumalakad ang oras, pilit na lumilipas Waring nais tumakbo ng paa at kumaripas Simbilis ng panahon na dati ay tulog Parang kailan lang , salita ay dumulog Gaya ng puno na sintatag mithiin ay biglang nailatag Tila totoong nakaukit sa batuhan Yun pala'y madudurog ng alon sa dalampasigan Blindboy mata mo'y di makakita ngunit pakiramdam ang malakas diba? blind boy sa hangin ay pakiramdaman mula sa Gabi lalakbayin ang umaga ng marahan Dina maubos na katanungan Minsan me sagot, wala naman kadalasan Alayan ng panahon, ngunit walang balik katanungang sumisigaw,, sabi ay "BAKIT?" Di mahawakan, pangarap na may kalabuan dati ay malinaw, dahil sabay na pinangakuan "morendo" tunog ay nawawala sa dilim Nais na sanang malaman ang lihim...... O tandang pananong nais ng magpahinga Pasalaysay na pangungusap tuldok ang hanap na pagod na sa " ! " sa hulihan ng kabiglaan sana ang nakabitin na tanong ay matuldukan
LIFE....a DIFFICULT EXAM
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Life is the most difficult exam, Many people FAIL because they tried to copy others, not realizing that everyone has a different question papers. Ito ang examination ng kabataan Isa-isa silang opinyon ay pinakinggan Magaganda ang kanilang paliwanag Me punto bawat isa sa kanila, na maaaninag IIsa ang kanilang pinupunto sa examinasyon Iba-iba ang ating katauhan at imahinasyon Kaya nagiging FAILURE and ating buhay Dahil sa panggagaya at pagkainggit na tunay Hindi magiging SUCCESSFUL ang kinabukasan Kung hindi mo hahanapin ang iyong kahalagahan PURPOSE sa buhay , tayo ay may nakalaan At ang nararapat gawin, ito ay pagtuunan Paano nga naman magiging matagumpay Kung ipipilit na kaalamang di para sa yo, ay aagawin mong tunay Hanapin daw ang sa iyo ay iginuhit At habang nabubuhay, PURPOSE mo ay gawing pilit Very good kids!!!
Simpleng Aralan
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Di mabilang na rules ang dapat sundin Puno ng kasulatang dapat tupdin Bakuran ay kahoy, tuwina ay pinapalitan Napapalibutan ng mahogany ang kapaligiran Puno ng kubo na may tanim na dapat alagaan Pagiging responsable ang aral para sa kabataan Puno ng creative na mga basurahan Pintado ng inaral, sa bawat subject natutunan Ang pinto nito bagaman at walang kasulatan Bawal pumasok ang kabataan sa di kanilang pintuan nag-aanyaya na ito ay pasukan ngunit dahil sa disiplina, rules ay sinusundan Basurahang makukulay na yari sa karton Kanya-kanyang design, upang sa guro ay may itugon Dala-dala sa kantina at saan man magpunta Parang shoulder bag sa ilan, hangad ay disiplina Sa bawat oras Piano ay tumutunog Libangan ng kabataan , oras ay doon umiinog Fluta na umaawit, trumpetang makikisig Classical na tugtugin, puno ay napapahilig Projects at Outputs, asahan mo at galing sa basura Need na i re-use, recycle, yun ang kalakaran talaga Pananim sa bote, ecosystem na inaalagaa
Katanungan
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Nais na tanungin bakit po ganito? Nais na tanungin, minsan nahahapo Nais na tanungin ano ang dahilan? Nais na tanungin ano po ang kulang? Nais na tanungin, isip ay nalilito Nalilito kung ano ang iisipin ng diwang hapo Diwang hapo, sa pagtulong ay di nagkulang Di nagkulang kahit hirap ay walang patlang Kaytagal hinintay, kapag sinabi Nag walang imik ang uming labi Binibilang ang araw, patuloy na hinuhulaan Angkasagutang naglalaro sa isip, tanong ay nasaan Kapahingahan ay nasaan, ano ang hahantungan Bakit nangyayari, ano ang kasalanan Nais na hulaan ngunit hindi na makayanan Hindi na makayanang isipin ang malabong kasagutan Kapahingahan nasan ka, ibulong nag kasagutan sa umaawit na hangin, musika ay sabayan Ipadala na rin sa malungkot na kakahuyan Upang dalahin ng kuliglig, kapahingahan ay masimulan Minsan lubhang nakakapagod kapag di pinagtiwalaan Na may maitutulong kahit pananalita lamang Ang iwasan ay lubhang parang balaraw na nakakasugat Ano nga ba ang kas
ALEXANDER THE GREAT
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Alexander the Great, isa nga bang dapat tingalain Pagiging great niya nga ba AY nararapat damhin Great raw siyang matatawag dahil sa dami ng sinakop Sinakop ng may dahas, upang kapangyarihan ay malukob Magaling na lider, istratehiya ay hahangaan Kayang sakupin halos ang mundo ng may kagaanan Sabi nga tatlo lang ang kanilang kadahilanan GOLD, GLORY and GOD ang basehan GOLD, dahil kakamkamin ang yaman ng bansang sasakupin Upang matustusan ang kapritso na nais nila rin GOD , maaring nais palaganapin Ang pinaniniwalaang Relihiyon na kanilang simulain Ang pinakahuli ay GLORY, upang tingalain ng sinuman Kalakasan, pagkatanyag, maging super Power sa sangkatauhan Ganito ang basehan kaya tinawag siyang Great daw Tama bang sukatan, ang buhay ay nakabase sa talim ng balaraw Ganito ang ating Lipunang kinalalakihan Kanya-kanyang sakop, yaman ay pinaghahawakan Mananakop sa pamamagitan ng pagsira sa katauhan Nagpapayaman upang ipakitang sila ay powerful sa ilan Ngunit ano nga
God's Promise
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
the world never delivers on its promises. Make more money and you'll be happier, get a bigger house and you'll feel satisfied, buy fancier clothes and people will admire you - the materialist's mantra. But there is always a bigger house, someone making more money and a new style that makes your expensive wardrobe obsolete. Pursue things that deliver: take care of each other, love one another and believe in God. These are things that deliver, and that's a promise. Blessing in disguise ito ay natanggap Sa isang application sa FB na minsan lang mahanap Iisa ang nais ipakahulugan ng mensaheng tinuran Huwag manangan sa material na sa langit ay di kailangan Ang pinaka importante ay hindi ang sarili lamang Kundi ang kapuwa na sa atin ay nangangailangan Dahil ang material na bagay sa langit ay walang maipapangako dahil ang pangako ay nakalaan lang sa may tunay na malinis na puso Simulan nang hanapin ang tunay na kasiyahan Hindi ang kasiyahang
Ball
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Life is round, it continues to move everyday To tell us that storm is a part of life, I might say It bounces, it rolls but it will not stop Like a journey we should perform our best, So God will clap Tuloy ang ikot yun ang nais sabihin Kahit may lubak, derecho sa mithiin Kailangang umikot tuloy-tuloy lang Upang marating ang dulo na sa atin ay nailaan HIndi man makinis ang ating daraanan Mabutas man ang kaluluwa natin, derecho lang kaibigan Basta do your Best, hanapin ang purpose sa kapuwa Upang ang ating AMA sa atin ay matuwa
Trumpet
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Blaring sound, I have to announce That we need to be brave when our lives bounce As brilliant as its tone, the truth we should tell So that the right path will sing, together with a bell Nais ipaalala ng trumpetang nasa larawan Na tayo ay nilikha upang siyang kumatawan Kumatawan sa pag aanunsyo ng pawang kabutihan Kabutihan na unti unti nang nilalamon sa ating lipunan Buong tapang na isigaw ang katotohanan Huwag hayaang lupigin ng pawang kabuktutan Isigaw at awitin ang aral na sa iyo ay matututunan Sa gayon sa mundo ikaw ay may nagawang di malilimutan
Pencil
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
I am a pencil, God made me to send a message A message that the lead inside is more important Like me, everyone should leave a mark as we age, God will hold us, and all the blessings He will grant Sabi ng pencil MAKER , laging tatandaan Ang kulay na panlabas ay hindi kailanman tinitingnan Ang tanging titingnan tulad ng isang ito Ay ang nasa kalooban at gaano kalinis ang puso Laging mag-iiwan ng marka sa daraanan Marka sa mundo na ikaw ay may natulungan Burahin ang pagkakamali, dahil maari naman At wag kakaligtaang pahawakan ang buhay sa AMA sa kalangitan
Tree
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
I stood still and stood all the storm, To tell everyone how sturdy I am, My roots hold firm, my faith it forms Contented is my soul, Please tell them. - TREE Nararapat na maging kasing tibay ng puno ang ating buhay Dumating man ang bagyo o suliranin na di maiiwasang sa atin ay papatay Just hold firm sabi nga , tulad ng ugat sa lupa Hawak na mabuti sa ating pananampalataya Mula sa puno aral ay dalahin Nawa ay ilagay ito sa inyong damdamin Magpasalamat itaas ang kamay at manalagin Manalanging walang humpay sa lumikha sa atin...
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
God is really good minsan di lang natin pansin Laging nasa isip ay ang kasamaan kung lilimiin Ngunit ang MIRACLES sabi nga minsan ay maliit mata natin ay nakatuon, sa malalaki lang ipinipilit Malaking milagro agad na hinahanap Ngunit kapag di nakita disappointment ang hagap sabi nga simpleng pagkakita sa nawawalang susi Isang maliit na milagro, di lang natin mawari God is really good, blessing niya ay nakakalat Dumarating sa oras na hindi naman natin hanap Halos pagsuko ay akapin kapag pag- asa ay nagpapaalam Ngunit biglang durungaw ang milagro, sa ating harapan Kaya huwag mawawalan ng pag-asa, sa oras ng kadiliman Kahit pa buong sambayanan ikaw ay iwanan God is really good, ilagay sa isipan Hinding-hindi tayo NIYA kailanman pababayaan
Paglalakbay
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Ang buhay ay isang paglalakbay Mahirap tanggihan itong tunay Kailangang lumakad upang dulo ay marating Kahit ano pa ang sa daan ay masaling Ang buhay ay isang masayang paglalakbay Pagkatuto ay nasa atin upang hawakan ang pagkasanay Masayang kaibigan, masayang karanasan Ano pa ang hahanapin, blessing ay nariyan Ang buhay minsan ay hindi masaya ang hinaharap Nariyan ang sakit ng loob, puno ng hirap Ngunit kung ito ay nakasulat walang magagawa kundi akapin Akapin ng buong higpit, hirap ay harapin Ang buhay ay isang paglalakbay Sa paglakad may balok na sa atin ay papatay Ngunit nararapat na bumangon, agad sundan Ang tatahaking daan, na sa buhay natin nakalaan Ang mahalaga na dapat isaisip mandin Nariyan ang Diyos na sa atin nagmamahal din Siya ang araw ang buwan at tala na tatanglaw sa paglalakbay Sa paglalakbay natin sa mundong sa buhay natin ay alay
Blessing must FLOW outwardly !
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Buksan ang palad tulad ng banaba na kay tikas Handang magbigay ng anumang panlunas Palad ay iabot sa kumakaway na abang tao Tulad ng banaba na waring may puso God blessed us for us to bless others Do not let your blessing, fail forever He who hoards loses too much Just let your blessing flow, other life should be touched! Thus, God will take care of our life He will not put us in darkness or strife Find someone, blessing you should share We must serve others, rather than just care
Koreksyonal,,,ala-alang naparam
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Isang daang preso, Puno ng katandaan Nakulong ang lola ,Away sa lupa ang dahilan Ang masaklap, sariling lola ay pinarusahan Hindi malinaw kung bakit nangyari, sana malinawan Ganid na sangkatauhan hirap intindihin Falsification of Document ang kasalanan mandin Ngunit ang lola, pagsulat ng pangalan ay di maalam Letra lang at numero ay nahihirapan Idiniin ng apo raw, hinarang pa ang kalayaan Paano nagagawa ito ng dahil lang sa lupang tinatapakan Ganid na sangkatauhan, nasan na ang iyong awa Sa langit ang nararapat ipunin ay yamang di mawawala Liberty, isang preso na nangako na si Nanay rose ay alagaan Dahil hindi man lang dinadalaw ng anak na iisa lang Ito ang patunay na kahit masamang tao ay may pusong bukal Dangan lamang at ang kapalaran nila ay di maganda ang halal Kaya isang malaking aral sa ating lahat Na walang may karapatan na sakit ng salita sa atin ay ilapat Sapagkat lahat tayo ay hindi kalinisan Ang nararapat…..tingnan ang sariling
MARAMING SALAMAT PO !! (pasasalamat sa pagbati)
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
tak,tak,takatak ang tunog ng tikladang tunay tiklada ng keyboard na oras ang bigay oras na binigay upang ipahatid ang pagbati sa kaarawan pagbati sa taong minsan sa FB lang nakita ang larawan Sabi nga, we have different gifts, di lang material A gift of time and compliment maaaring ibigay Ibigay kahit kanino, iextend ang sarili Dahil sa mundo tayo ay may kapuwa, at di dapat maging makasarili Salamat po, masasabing bawat isa sa atin ay mapalad Dahil may natitira pa sa atin na kapuwa, na di huwad Tunay na katauhan, san nga ba makikilala Simple lang po,,,sa mga tao rin na sa atin ay naniniwala Salamat po, sa pangkat ng mga kamag-anak Pati na rin sa mga tunay na kaibigan na di nanghahamak Sa mga kasama kong kabataan sa paaralan Pati na rin sa ilang mabubuting tao sa pamayanan Salamat po sa mga kasamahan ko at kaklase sa Unibersidad Sa pamantasan na puno ng Musika, na sa buhay ko ay nagbigay palad Sa aking mga nakasama sa Makiling, guro man o kabataan Sa lahat ng ta
ALONZO MOURNING...isang EPITOMIYA
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
ALONZO MOURNING ang kanyang pangalan Tanyag na basketbolista sa USA na bayan Mula ng magkahiwalay ang kanyang magulang Siya ay inampon ni Fannie Threet, isang Good Samaritan Isang basketball iconic coach ang nakagisnang nanay Kaya siya ay nai-train sa basketball na tunay Isang tao na hindi nagdamot na gumabay Kahit sa hindi niya kakilala sa tanang buhay Sumikat sa basketball , siya ay hinangaan Ngunit isang araw sakit sa kidney ay lumitaw Isang threat na maaring magpatigil sa kanyang kasikatan Ngunit ito pala ang magpapabago sa buhay na nakagisnan Naoperahan, gumaling pangalawang buhay ay nakamtan Doon niya nakita ang purpose ng buhay na sa kanya ay laan Ang galling sa basketball naging daan upang maging philanthropist din Ang tumulong sa kapuwa ng buong damdamin Nagpatayo siya ng Overtown Youth Center, isang tirahan Naging tirahan ng halos 400 na mga batang lansangan Nagpagraduate ng hindi mabilang na kabataan At naging fund raiser ng K
Katauhan sa Salamin
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Kasalanan nais mo bang makita? Humanap ng salamin at tingnan gamit ang mata Ituro ng hintuturo ang katauhan sa salamin Ituro ang sarili, kasalanan mo ay iyong hanapin Bibig na naibukas, tama ba ang tinuran Tanungin ang katauhang nasa iyong harapan Languyin muna ang dagat na kay lawak Bago tuldukan at simulan ang panghahamak Maghukay alamin kung ano ang pinagmulan Baka ang katauhan sa salamin ang may kagagawan pakatitigan ang mukha mo at balikan Balikan ang panahon, kung san nagsimula ang dahilan Sukatan ng pakikipagkapuwa, sinusukat sa pagiging donya victorina Gayong maanghang na salita naman ang ibinubuga Sirkulo ng isang tao ay may kaibahan sa iba Kaya kumparasyon ay walang halaga Titigan ang sarili sa salamin Gamitin ang kandila magdasal na mataimtim Upang makita ng maliwanag ang dumi sa katauhan duming dapat na unahin bago ang ilang taong walang kinalaman Wag kalimutan ang tao sa salamin Siya lang ang ang makakapagpapa alala ng
Bagong bihis, Bagong buhay
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Bagong bihis, parang panibagong araw din Na sa atin ay sasalubong ng buong giting Mga boteng patapon, binigyan ng buhay Panibagong buhay na dati ay patay Mga bote na sa aming paaralan ay nagbigay pangalan Sabi nga ng iba ay "basura" lang naman Ngunit sa basura nagmumula ang best na pagkakataon Pagkakataong sa bawat isa sa atin ay mag aahon \ Tulad ng basurang patapon ang buhay ng ilan Wika nga sa kahirapan waring di maahon kailanman Ngunit laging pakakaisipin tayo ay nilikha ng may dahillan Maliit ka man o mahirap sa nasabing lipunan Ang nararapat ay laging magpapanibagong bihis Kapag buhay ay wala nang pagbabago dapat ng ilihis Itayo ang sarili, itaas ang noo at katauhan Ipakita sa mga higante sa lipunan na kaya mo rin kaibigan Tulad ng bote na patapon sa aming paaralan Bakit nga ba ito hindi inaasahang natuklasan Maaring ito ay nakasulat na sa kapalaran Dahil sa buhay , walang coincidence yun ang katotohanan Kaya lakasan ang loob, lahat tayo ay may
Hungkag na Kaharian
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Kaharian ang tingin ng iba sa ating kapaligiran Naghahari-harian dahil sa kanilang kayamanan Waring tama ang winiwika sa tuwing bubukas ang bibig Ngunit sablay naman, mababaw pa sa tunog ng kuliglig Naglalagay ng sariling korona kahit di sabihin Ang batayan ay nakakaangat sila, yun ang nais wikain Magandang bahay, abroad, malaking sweldo at karangyaan Ang ginagawang sukatan, upang mantapak ng karamihan Ano ang saysay ng pagtulong kung bibig naman ay nakakahiwa Anong saysay ng pagtulong kung wala namang kapuwa Anong saysay ng pagtulong kung tuturuan na magsinungaling Upang pagtakpan ang kasamaan, yun ang tanging hiling Tulad ng nasa larawan, malaking palasyo ang naitayo may suot na korona, ngunit hungkag ang katauhan at puso Plastic na matatawag, pulos pagpapaimbabaw Upang purihin at tingalain lang sila kada araw O ang lipunan nga naman, bakit ganoon ang batayan Kapag wala kang salapi, turing ay isang basurahan Kung ipinanganak na di gaanong mapalad sa katalinuhan
Puzzle
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Puzzle ganyan ang ating buhay Kahit na kay hirap puno pa rin ng kulay Maramig susuungin sa paglalakbay Minsan masisilat pa, tawag ay sablay Minsan kay ganda ng lakad biglang magugulat Balik ng ilang space muli, balik sa may lamat Minsan naman kay ganda ng lakad, Bonus ay walong lakad Hanggang malaman na lang, panganib rin pala ang palad. Tulad ng laro, kapag problema ay di nasagutan Mananatiling nakalugmok, hintay uli ng kapalaran Minsan hindi mo naman hinihintay Blessing na di mabilang ay makikitang ibat-iba ang kulay Buhay nga naman, Sana ay tulad ng larong ito ng kabataan Na kapag hindi nasagot, naroon pa rin ang katuwaan Siguro ang dapat tandaan, wala sa DICE (dikta ng tao) ang kapalaran Ito ay paano haharapin ng positibo ang buhay na nakalaan Tulad ng pagharap ng isang musiko sa pyesang tutugtugin Sa bawat measure accidentals ay kakaharapin Kung magkamali man, tuloy lang at awitin Ang natitirang tugtugin , upang matuwa ang AMA na composer natin!!
Agila at pangarap
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Abutin ang pangarap tulad ng Agila sa himpapawid Nangangarap na lumipad ng mataas, nais tumawid Tumawid sa madilim na ulap na kanyang nais lampasan Ginagawang lakas upang ikampay ang pakpak ng buong kalakasan May malinaw na paningin sa nais abutin Kahit na kay layo pa ng nais dagitin Naka focus ang isip sa pangarap na nais marating hindi titigilan hanggang di naabot, walang maaring sumaling Mataas lumipad ngunit di nalilimutang bumalik Sa iniwang inakay upang akapin at tuka ay ihalik Ito ang icon na dapat pamarisan ng karamihan Kahit saan makarating, nararapat na paglingon ay di malimutan Alalahanin ang paglipad ng agila kahit anong taas din Naroon ag pagbalik sa mga taong sa atin ay tumulong ng buo sa damdamin Masarap lumipad ng mataas ngunit dapat na isip ay paganahin Na hindi lamang kayamanan ang laging nais abutin Kung sa ating paglipad, isip ay nabulag sa dilim Laging alalahanin, success ay di sa pera lang ang diin Ito ay ang kasamang kasiyahan at pagtulong a
Real Happiness
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
"The happiest people aren't necessarily the ones with the most good fortune or wealth, they are the ones who share whatever they have to others" Patuloy na pagbabahagi ay gagampanan Kahit pa pagdating ng araw ikaw ay kalimutan Katungkulan sa ating kapuwa sa kapaligiran Patuloy na hahà wakan anuman ang hadlang Parang piso na naibahagi mula sa puso Hindi kailangang sukatin ng mayamang tuso Kaalamang sa atin na naipahiram Paalala, ang ibahagi ito ay ating katungkulan Kahit pakikinig ay sapat na Sapat upang pagtulong ay ialay sa kapuwa Parang ating musika na umaawit Kailangang sa ating kapuwa ay masambit Gasino na ang ating alayan Ng kakaunting halaga sa blessing na natanggap naman Ibahagi kahit ang oras kaysa masayang At least ang buhay natin ay nagkaroon ng kasaysayan
BLIND BOY
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Blind boy nasan na? Pakiramdam na pinagpala Blind boy nasan na? Naglaho na bang talaga Iisa lang ang kapalit Ang sa isipan ay di mawaglit Na pakiramdaman ang kapuwa Di man makita, sa isipan ay maalala Dumaan ang unos Nagliwanag na't puno ng galos Ngunit pangako kasamang nilipad Nilipad ng hangin dina alam, saan napadpad Ito ang katangian na sa bawat isa ay dapat masalamin Kailangang pakiramdam at respeto ay gamitin Parang Musika na sa isip ay humuhugong Kahit malayo nararapat sa isipan ay bumubulong Blind boy nasan na? Limang araw na unos, ikaw ba ay masaya Blind boy nasan na? .....sa hangin ay ipaalam Sana pakiramdam mo ay di maparam
Sukatan
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Kapuwa tao..marami sa kapaigiran Nilikha tayo sa mundo ma may kasamahan Ngunit paano nga ba ito masusukat Sino ang makakà pagsabi kung ikaw ay salat? Bibig na kay daling manghusga nawa ay mag isip Sapagkat di ikaw ang basehan..di ikaw sana ay malirip Ang sukatan pagkaminsan ay pag dumating sa huling hantungan hantungan na susukat sa dami ng tao sa libingan ikaw ay sinamahan Kaya ang perang pangmalakihan ng karamihan Na pambusog sa mata ng nais pasunurin sa kagustuhan Hindi maaring sukatan ng tunay na pakikipagkapuwa tao sapagkat ang kayamanan ay di nakakabusog ng puso Ganito ang katotohanan na dapat tanggapin Hindi ang bibig na na kaydaling manukat mandin Minsan nasa puso ng mga taong ating natulungan Kahit sarado ang bibig, puso nila ang sisigaw ng ating kabutihan
Good Samaritan
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Iba ang kulay waring di pinagtitiwalaan Kung maputi maaring ugali ay di mawawarian Ibang kultura takot ko ay baka di maunawaan Ngunit lahat ng sapantaha ko'y malaking kamalian Hindi pala maaring pagbasehan ang nasabi Sapagkat ang kabutihan ng tao ay sa kalooban namamayani Wala sa lahi, wala sa kulturang kinalakihan Kundi nasa busilak na puso na di nakatago sa kayamanan Isang Ingles na nagbahagi rin ng buhay Mula ng tumuntong sa banyagang bansa para rin siyang pinatay Pinatay sa panibagong pakikisama sa mga taong nakasalamuha Pinatay sa hirap ng dinatnang pagbabago sa dayuhang bansa Kaya isang lapit lang sa kanya di siya ng isang salita Kahit di pa kami nagkikita, tulong niya ay inilathala Magalang na pananalita sa telepono, di masakit na parang nakakahiwa tulong niya ay inialay, buong puso at kaluluwa Isang patunay na ang kapuwa tao natin sa mundo ay nakakalat Minsan nasa Mexicano at ibang lahi na ibang kulay ang balat Ganito ka- mapagmahal ang ating Ama sa ka
Commitment
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
I will do more than give..I will serve Pagtulong ay mas higit sa pagbibigay Pagbibigay di lamang materyal na bagay Tulungan ng walang pasubali ang kapuwa Ay kabanalan na matatawag pagbibigay awa I will do more than teach..I will inspire Your life is your message wika nga Kaalamang naipasa ng walang puso ay hungkag I will do more than believe...I will practice We learn by doing yun ang mas tama Doktrinang di naisagawa,halaga ay wala I will do more than help...I will care Madaling ipamalita amg kabaitan Ngunit kung ikaw ay nakaupo lang,saysay ay wala lang Dumating man ang mabibigat na pagsubok Tumayo at iwasang malugmok Kaya sa lahat ng bagay best ang kailangan Yun ang mission natin dito sa sangkalupaan
Bagyo...isang aral
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Walang kuryente..pakiramdam ay nasan Sa ibang bayan ilaw ay ay nangagsindihan Buti pa ang ulan na kanina ay bumagsak Nais magbigay lamig sa loob na sinaksak Wika ng ulan blessing ko ay tingnan Patuloy na papatak sa mga kakahuyan Kung pakiramdam ay unti unting naglalaho Narito ako..papatak sa iyo ay di bibigo Tama nga rin naman habang nakatingin Sa sangang binali ng bagyong mahangin Kahit pa sanga mo ay binali at sinaktan Patuloy kang bubuhayin..didiligin ng pagmamahal naman Patuloy na uusbong ang buhay na hiram at kay hirap Kahit kinalimutan na ng nangakong pangarap Isang aral mula sa kuryente na ngayon ay hanap Maghintay..kaliwanagan ay nariyan sa isang iglap Kaya kahit na lusak ang sa atin ay dala ng bagyo Kaluluwa dapat ng bawat isa ay di nito kayang igupo Putikang paa humayo at tumindig muli Bangon, tumayo ng taas noo, itindig ang naaping lipi *picture from the associated press
The Praying Tree
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Nanggagalit na hangin, umuugong na kapaligiran Halos nais igiba ang mga puno na may katibayan Ang ilan ay nagsimulang sumuko, ang ilan ay hindi Patuloy na nakikipaglaban sa unos na matindi Ang matibay na puno ng sampalok ay humahapay ngunit kitang -kita na matindi ang kanyang paglaban sa buhay Ang puno ng mga kawayan ay halos lupa ay halikan Ngunit tumindig pa rin pagkatapos ng hirap na nagdaan Ganito ang buhay ng mga tao sa lipunan Ibat-iba pagdating ng problemang halos di makayanan May sumusuko hinayaang sanga nila ay maputol May nananatiling humahawak AMA, dasal ay ginugugol Sa paglipas ng malakas na unos, wika nga ay mabigat na suliranin Ang ibang puno ay nagpaalam na waring sa pagod na rin Ngunit ang iba ay patuloy na nakikipaglaban, sa ano nga bang dahilan? Maaaring sa sangkalupaan ay may Misyon pa silang isasakatuparan Paminsan-minsan, wika nga ang BAGYO o unos ay isang aral Aral na siyang nakakatulong sa atin upang maging matibay at di maging paga
WHAT MATTERS MOST
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Sa ating paglalakbay kahit na ubod ng hirap Hirap na halos nais pumiit sa ating mga pangarap Iisa ang pinakamahalaga na dapat nating isaisip Na sa atin bang paglalakbay tayo ay di nainip Walang pinakamahalaga kundi ang ikaw ay naging pagpapala Blessings sa ibang tao na naghihintay ng munting awa Wika nga sa awitin walang ibang mahalaga Kundi ang ikaw ay umibig o tumulong na puno ng pagpapala "Its' not how long we held each other`s hand What matters is how we loved each other It`s not how far we traveled on our way But what we found to say It`s not the spring we`ve seen But all the shades of green It`s not how long I held you in my arms What matters is how sweet the years together Chorus: It`s not how many summertimes we had to give to fall The early morning smiles We tearfully recall What matters most Is that we loved at all Minsan pumapasok sa ating isipan Maraming tanong na kayhirap hanapan ng kasagutan Hal