Sukatan

Kapuwa tao..marami sa kapaigiran
Nilikha tayo sa mundo ma may kasamahan
Ngunit paano nga ba ito masusukat
Sino ang makakàpagsabi kung ikaw ay salat?

Bibig na kay daling manghusga nawa ay mag isip
Sapagkat di ikaw ang basehan..di ikaw sana ay malirip
Ang sukatan pagkaminsan ay pag dumating sa huling hantungan
hantungan na susukat sa dami ng tao sa libingan ikaw ay sinamahan

Kaya ang perang pangmalakihan ng karamihan
Na pambusog sa mata ng nais pasunurin sa kagustuhan
Hindi maaring sukatan ng tunay na pakikipagkapuwa tao
sapagkat ang kayamanan ay di nakakabusog ng puso

Ganito ang katotohanan na dapat tanggapin
Hindi ang bibig na na kaydaling manukat mandin
Minsan nasa puso ng mga taong ating natulungan
Kahit sarado ang bibig, puso nila ang sisigaw ng ating kabutihan

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness