Simpleng Aralan

Di mabilang na rules ang dapat sundin
Puno ng kasulatang dapat tupdin
Bakuran ay kahoy, tuwina ay pinapalitan
Napapalibutan ng mahogany ang kapaligiran

Puno ng kubo na may tanim na dapat alagaan
Pagiging responsable ang aral para sa kabataan
Puno ng creative na mga basurahan
Pintado ng inaral, sa bawat subject natutunan

Ang pinto nito bagaman at walang kasulatan
Bawal pumasok ang kabataan sa di kanilang pintuan
nag-aanyaya na ito ay pasukan
ngunit dahil sa disiplina, rules ay sinusundan

Basurahang makukulay na yari sa karton
Kanya-kanyang design, upang sa guro ay may itugon
Dala-dala sa kantina at saan man magpunta
Parang shoulder bag sa ilan, hangad ay disiplina

Sa bawat oras Piano ay tumutunog
Libangan ng kabataan , oras ay doon umiinog
Fluta na umaawit, trumpetang makikisig
Classical na tugtugin, puno ay napapahilig

Projects at Outputs, asahan mo at galing sa basura
Need na i re-use, recycle, yun ang kalakaran talaga
Pananim sa bote, ecosystem na inaalagaan
Mula sa patapong bagay, yun ang pinassisimulan

Hanggat maaari RESPETO sa lahat ay maramdaman
Bawal magsalita ng "bad words" upang di tularan
Laging pasasalamatan at magbabahagi ng kaalaman
Blessing ang buhay, ito ang sa turo sa kabataan

Ito ang paaralan na sabi nga e parang "kulungan"
Kulungang puno ng disiplina, para sa kabataan
Marami nang mapapatunayan na kapag sa gate ay lumabas
Pagbabago, sa ugali at pananalita ay namamalas

Isang kulungan na kakayahan ay napagyayaman
Isang kulungan na punong puno ng kahulugan
Isang kulungan na puno ng pagrerespetuhan
Isang kulungan na pagtulong sa kapuwa ay pinaghahawakan

Isang kulungan na maraming ISKOLAR ang napagyaman
Isang kulungan na nakapagpatapos ng libre sa mga kabataan
Isang kulungan na di man maipagmalaki ng ilan
Maipagmamalaki na siyang ginagamit sa pinupuntahan

Taas noo, populasyon man ay di gaanong malaki
Kabataang nagmumula rito ay maipagmamalaki
Ito ang paaralang buhay na buhay
Di man marangya, ngunit ang yaman ay tunay

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness