Hungkag na Kaharian

Kaharian ang tingin ng iba sa ating kapaligiran
Naghahari-harian dahil sa kanilang kayamanan
Waring tama ang winiwika sa tuwing bubukas ang bibig
Ngunit sablay naman, mababaw pa sa tunog ng kuliglig

Naglalagay ng sariling korona kahit di sabihin
Ang batayan ay nakakaangat sila, yun ang nais wikain
Magandang bahay, abroad, malaking sweldo at karangyaan
Ang ginagawang sukatan, upang mantapak ng karamihan

Ano ang saysay ng pagtulong kung bibig naman ay nakakahiwa
Anong saysay ng pagtulong kung wala namang kapuwa
Anong saysay ng pagtulong kung tuturuan na magsinungaling
Upang pagtakpan ang kasamaan, yun ang tanging hiling

Tulad ng nasa larawan, malaking palasyo ang naitayo
may suot na korona, ngunit hungkag ang katauhan at puso
Plastic na matatawag, pulos pagpapaimbabaw
Upang purihin at tingalain lang sila kada araw

O ang lipunan nga naman, bakit ganoon ang batayan
Kapag wala kang salapi, turing ay isang basurahan
Kung ipinanganak na di gaanong mapalad sa katalinuhan
Kaawa-awang iisantabi, ng Higanteng mayayaman

Kaya laging tatandaan, mga abang nilikha
Karangyaan at magarang damit ay balewala
Kung ang tanging motibo sa balana ay ipagmayabang
Ang buhay mo ay totoong nasasayang lang!!


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness