ALEXANDER THE GREAT

Alexander the Great, isa nga bang dapat tingalain
Pagiging great niya nga ba AY nararapat damhin
Great raw siyang matatawag dahil sa dami ng sinakop
Sinakop ng may dahas, upang kapangyarihan ay malukob

Magaling na lider, istratehiya ay hahangaan
Kayang sakupin halos ang mundo ng may kagaanan
Sabi nga tatlo lang ang kanilang kadahilanan
GOLD, GLORY and GOD ang basehan

GOLD, dahil kakamkamin ang yaman ng bansang sasakupin
Upang matustusan ang kapritso na nais nila rin
GOD , maaring nais palaganapin
Ang pinaniniwalaang Relihiyon na kanilang simulain

Ang pinakahuli ay GLORY, upang tingalain ng sinuman
Kalakasan, pagkatanyag, maging super Power sa sangkatauhan
Ganito ang basehan kaya tinawag siyang Great daw
Tama bang sukatan, ang buhay ay nakabase sa talim ng balaraw

Ganito ang ating Lipunang kinalalakihan
Kanya-kanyang sakop, yaman ay pinaghahawakan
Mananakop sa pamamagitan ng pagsira sa katauhan
Nagpapayaman upang ipakitang sila ay powerful sa ilan

Ngunit ano nga ba ang tunay na Pagiging GREAT na matatawag
Hindi ba't kahit isang tao ay mahirap ngunit hindi duwag
Basta at may paninindigan, kapuwa ay kayang pakiramdaman
GREAT ka sa paningin ng Diyos, iyon ay walang alinlangan

Ang batayan ay hindi Kayamanan o ang paglalayag
Kundi ang kahit isang kabutihan, bibig mo ay nagpahayag
Great ka sa paningin ng AMA, iyon ang mahalagang aral
GREAT ka sa paningin ng Ama, sa langit ikaw ay ihahalal

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness