Koreksyonal,,,ala-alang naparam

Isang daang preso, Puno ng katandaan
Nakulong ang lola ,Away sa lupa ang dahilan
Ang masaklap, sariling lola ay pinarusahan
Hindi malinaw kung bakit nangyari, sana malinawan

Ganid na  sangkatauhan hirap intindihin
Falsification of Document ang kasalanan mandin
Ngunit  ang lola, pagsulat ng pangalan ay di maalam
Letra lang at numero ay nahihirapan

Idiniin ng apo raw, hinarang pa ang kalayaan
Paano nagagawa ito ng dahil lang sa lupang tinatapakan
Ganid na sangkatauhan, nasan na ang iyong awa
Sa langit ang nararapat ipunin ay yamang di mawawala

Liberty, isang preso na nangako na si Nanay rose ay alagaan
Dahil hindi man lang dinadalaw ng anak na iisa lang
Ito ang patunay na kahit masamang tao ay may pusong bukal
Dangan lamang at ang kapalaran nila ay di maganda ang halal

Kaya isang malaking aral sa ating lahat
Na walang may karapatan na sakit ng salita sa atin ay ilapat
Sapagkat lahat tayo ay hindi kalinisan
Ang nararapat…..tingnan ang sariling dumi, at simulang linisan

Wika nga ni Kara David, na host ng dokumentaryo
Mahirap man ang dorm 12, wala mang dalaw at salat sa gamot
Masasabing mayaman na rin, dahil MALASAKIT sa isat isa ay galling sa puso
Malasakit na sa malayang lipunan ay salat at nabaon na sa limot

Minsan kahit na ang kapalaran, sila ay napaglaruan
Mapalad sila at malayo sa kabayanang HARI raw ng kalinisan
Malasakit ay wala, salitang nakakahiwa ang alam
Malayang nakakulong  sa di nakikitang sariling  kasalanan


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness