Good Samaritan

Iba ang kulay waring di pinagtitiwalaan
Kung maputi maaring ugali ay di mawawarian
Ibang kultura takot ko ay baka di maunawaan
Ngunit lahat ng sapantaha ko'y malaking kamalian

Hindi pala maaring pagbasehan ang nasabi
Sapagkat ang kabutihan ng tao ay sa kalooban namamayani
Wala sa lahi, wala sa kulturang kinalakihan
Kundi nasa busilak na puso na di nakatago sa kayamanan

Isang Ingles na nagbahagi rin ng buhay
Mula ng tumuntong sa banyagang bansa para rin siyang pinatay
Pinatay sa panibagong pakikisama sa mga taong nakasalamuha
Pinatay sa hirap ng dinatnang pagbabago sa dayuhang bansa

Kaya isang lapit lang sa kanya di siya ng isang salita
Kahit di pa kami nagkikita, tulong niya ay inilathala
Magalang na pananalita sa telepono, di masakit na parang nakakahiwa
tulong niya ay inialay, buong puso at kaluluwa

Isang patunay na ang kapuwa tao natin sa mundo ay nakakalat
Minsan nasa Mexicano at ibang lahi na ibang kulay ang balat
Ganito ka- mapagmahal ang ating Ama sa kalangitan
Marami siyang ikinalat sa mundo na Good Samaritan

Kaya kung ito man ay kanyang mababasa at malalaman
Alam kong wiwikain pa niya,diko ito dapat ginawa, dina kailangan
Ganito ka baba ang kanyang kalooban
Kaya pagpapala sa kanya ay pumapatak na parang ulan

Maraming salamat po, Sana inyo ay tanggapin
Napakalaking aral ang mula sa inyo ay nasalamin
Kwento ng inyong kabutihan
at gawaing walang karamutan
Isisigaw ko at ibabahagi sa lahat ng kabataan

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness