God's Promise
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
the world never delivers on its promises.
Make more money and you'll be happier, get a bigger house and you'll feel satisfied, buy fancier clothes and people will admire you - the materialist's mantra. But there is always a bigger house, someone making more money and a new style that makes your expensive wardrobe obsolete. Pursue things that deliver: take care of each other, love one another and believe in God. These are things that deliver, and that's a promise.
Blessing in disguise ito ay natanggap
Sa isang application sa FB na minsan lang mahanap
Iisa ang nais ipakahulugan ng mensaheng tinuran
Huwag manangan sa material na sa langit ay di kailangan
Ang pinaka importante ay hindi ang sarili lamang
Kundi ang kapuwa na sa atin ay nangangailangan
Dahil ang material na bagay sa langit ay walang maipapangako
dahil ang pangako ay nakalaan lang sa may tunay na malinis na puso
Simulan nang hanapin ang tunay na kasiyahan
Hindi ang kasiyahang materyal lang ang basehan
Sabi nga try to bless other kung ano mang mayroon ka
And GOD will take care of you, promise sa atin ay pagpapala
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga sikat na post sa blog na ito
PESTENG LAMOK
Lamok tusok ka ng tusok Dugo ng kapuwa mo kinukuha ng iyong turok Parasite na hayop, nabubuhay dahil sa kapuwa Pagkatapos, iba pa ang masama Halos ibigay ng libre ang dugo na kailangan Tuwang-tuwa dahil libreng libre nga naman Ngunit kapag wala nang makuha Paninira ay bubulwak sa bibig na walang kwenta Halos napagaling, inalaagaan ng buong buhay Hindi man lang marunong tingnan ang kabutihang naibigay Nakukuha pang lumipad at ipamalita sa balana Na ang bumuo sa kanilang katauhan ay wala raw kwenta O lamok, tusok ka nang tusok kahit saan Matuto kang itikom ang bibig bilang paggalang Alalahanin mo na ang bumubuhay na dugo mo sa iyong katawan Galing sa mga walang” kwenta” sabi mo nga…na iyong pinaggalingan.
Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA
Itaas at ibaba. Mayaman at mahirap. Boss at alipin. Magaling at bobo. Ano pa? Ang mga pang-uri na kalimitan ay magkatunggali, magkasalungat, magka- iba ng ibig sabihin. Ang Una at ikalawang kabanata sa EL FILIBUSTERISMO ni Dr. Jose Rizal ay naglalarawan ng isang napakalinaw na pagkakahati sa lipunan. Narito ang ilan : 1. BAPOR TABO - Isang sasakyang pandagat na naglalarawan ng ating pamahalaan. Ang bilog na hugis nito ay nagpapahayag nang walang kasiguraduhang lakad ng ating pamahaaan sa pamamahala ng mga dayuhan. Ang pakulapol ( the paint was only splashed) na pintura nito ay isang pagtatakip sa tunay na anyo ng ating bulok na gobyerno. Sapagkat kapag ang isang bagay na may kalawang kahit pintahan ito ay kakalawangin pa rin. Hanggat nasa gobyerno ang mga taong walang pagmamahal sa sariling bayan, mananatili tayong isang kalawanging bansa. 2. TAAS NG KUBYERTA sa itaas ng ng deck o kubyerta, naroon ang mga mayayamang nagpapagalingan ng kanilang kakayahan. Napapabilang dito an
Real Happiness
"The happiest people aren't necessarily the ones with the most good fortune or wealth, they are the ones who share whatever they have to others" Patuloy na pagbabahagi ay gagampanan Kahit pa pagdating ng araw ikaw ay kalimutan Katungkulan sa ating kapuwa sa kapaligiran Patuloy na hahà wakan anuman ang hadlang Parang piso na naibahagi mula sa puso Hindi kailangang sukatin ng mayamang tuso Kaalamang sa atin na naipahiram Paalala, ang ibahagi ito ay ating katungkulan Kahit pakikinig ay sapat na Sapat upang pagtulong ay ialay sa kapuwa Parang ating musika na umaawit Kailangang sa ating kapuwa ay masambit Gasino na ang ating alayan Ng kakaunting halaga sa blessing na natanggap naman Ibahagi kahit ang oras kaysa masayang At least ang buhay natin ay nagkaroon ng kasaysayan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento