Parang manhid na ang paa, ayaw nang humakbang
Manhid na ang kamay , pagsulat ay may puwang
Pagtitig sa isang bagay, sobrang kay lalim
Ganoon pa rin ang katanungan, kailang lilipas ang dilim
Tuloy ang pagtibok, wika ay ay tuloy lang
Tulad ng pagdaloy ng dugo na walang patlang
Kailangang gampanan, kahit pagod ay idinidiin
tumindig, hinga ng malalim, yun na lang ang sundin
Lakad, lakad, lakad lang, sa journey na nakalaan
Lakad , lakad , lakad lang .....hanggang sa nararapat patunguhan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento