
Abutin ang pangarap tulad ng Agila sa himpapawid
Nangangarap na lumipad ng mataas, nais tumawid
Tumawid sa madilim na ulap na kanyang nais lampasan
Ginagawang lakas upang ikampay ang pakpak ng buong kalakasan
May malinaw na paningin sa nais abutin
Kahit na kay layo pa ng nais dagitin
Naka focus ang isip sa pangarap na nais marating
hindi titigilan hanggang di naabot, walang maaring sumaling
Mataas lumipad ngunit di nalilimutang bumalik
Sa iniwang inakay upang akapin at tuka ay ihalik
Ito ang icon na dapat pamarisan ng karamihan
Kahit saan makarating, nararapat na paglingon ay di malimutan
Alalahanin ang paglipad ng agila kahit anong taas din
Naroon ag pagbalik sa mga taong sa atin ay tumulong ng buo sa damdamin
Masarap lumipad ng mataas ngunit dapat na isip ay paganahin
Na hindi lamang kayamanan ang laging nais abutin
Kung sa ating paglipad, isip ay nabulag sa dilim
Laging alalahanin, success ay di sa pera lang ang diin
Ito ay ang kasamang kasiyahan at pagtulong ang isa sa mga salik
Life is an exchange, tulad ng agilang sa pugad ng anak, bumabalik
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento