BLIND BOY

Blind boy nasan na?
Pakiramdam na pinagpala
Blind boy nasan na?
Naglaho na bang talaga

Iisa lang ang kapalit
Ang sa isipan ay di mawaglit
Na pakiramdaman ang kapuwa
Di man makita, sa isipan ay maalala

Dumaan ang unos
Nagliwanag na't puno ng galos
Ngunit pangako kasamang nilipad
Nilipad ng hangin dina alam, saan napadpad

Ito ang katangian na sa bawat isa ay dapat masalamin
Kailangang pakiramdam at respeto ay gamitin
Parang Musika na sa isip ay humuhugong
Kahit malayo nararapat sa isipan ay bumubulong

Blind boy nasan na?
Limang araw na unos, ikaw ba ay masaya
Blind boy nasan na? .....sa hangin ay ipaalam
Sana pakiramdam mo ay di maparam

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness