MARAMING SALAMAT PO !! (pasasalamat sa pagbati)

tak,tak,takatak ang tunog ng tikladang tunay
tiklada ng keyboard na oras ang bigay
oras na binigay upang ipahatid ang pagbati sa kaarawan
pagbati sa taong  minsan sa FB lang nakita ang larawan

Sabi nga, we have  different gifts, di lang material
A gift of time and compliment maaaring ibigay
Ibigay kahit kanino, iextend ang sarili
Dahil sa mundo tayo ay may kapuwa, at di dapat maging makasarili

Salamat po, masasabing bawat isa sa atin ay mapalad
Dahil may natitira pa sa atin na kapuwa, na di huwad
Tunay na katauhan, san nga ba makikilala
Simple lang po,,,sa mga tao rin na sa atin ay naniniwala

Salamat po, sa pangkat ng mga kamag-anak
Pati na rin sa mga tunay na kaibigan na di nanghahamak
Sa mga kasama kong kabataan sa paaralan
Pati na rin sa ilang mabubuting tao sa pamayanan

Salamat po sa mga kasamahan ko at kaklase sa Unibersidad
Sa pamantasan na puno ng Musika, na sa buhay ko ay nagbigay palad
Sa aking mga nakasama sa Makiling, guro man o kabataan
Sa lahat ng taong sa mga Music CAMP ay aking naturuan

Salamat po, mga ka MUSIKO sa PAMBANSANG Samahan ng Banda
Pagbati ninyo at paggalang, ramdam na ramdam,kahit sa FB lang nakita
Yun po ang blessing na mayroon ang tulad nating Musiko
Himig natin ay nadirinig kahit isla ay magkakalayo

Ito ang aking circulo na hindi nila alam
Kapuwa ay marami, dahil sa Musika na sa amin ay ipinahiram
Kaya mula po rito, pasasalamat ko sa lahat ay pakinggan
GOD BLESS PO!! Pagpapala ng panginoon nawa kayo ay gabayan





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness