All is going according to plan. Trust that there is a bigger picture. Trust that life is unfolding as it should.
Katanungan sa ating isip minsan nagsasalimbayan
Halos hindi na maalis sa ating kaisipan
Bakit ganoon? Bakit ganito? Anong dapat unahin
Halos hindi na makakilos parang nasa dagat na madilim
Bibig na mapanakit , nakangiti pang parang uwak
Matang mapanghusga parang kuwago sa gubat na kay lawak
Tengang kay linaw ngunit hindi makarinig
Makarinig ng tama kundi sa dilim nakahilig
Mayayamang mapang-api kaytalas ng bibig
Sing talas ng bolo dugo ang nais lumabas hindi tubig
Mukha ay nakatago sa ngiting walang katotohanan
Ngunit ang totoo, hungkag na masaya naman ang kalooban
Daliri ay laging nakaturo sa kapuwang nasa harapan
Ngunit ang kamalian sa sarili ay di naman mabilang
Magaling humusga talo pa ang Ama sa kalangitan
Isang maling kabanalan, yun ang relihiyong walang katotohanan
Hinga na lang ng malalim, all will be well naman
Lahat ng nangyayari ay nakasulat sa buhay na sa iyo ay laan
In His time, darating din ang kasagutan
Hinga ng malalim, isang araw blessing papariyan.
(5:00 am,,Oct 1)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento