ALONZO MOURNING...isang EPITOMIYA

ALONZO MOURNING ang kanyang pangalan
Tanyag na basketbolista sa USA na bayan
Mula ng magkahiwalay ang kanyang magulang
Siya ay inampon ni Fannie Threet, isang Good Samaritan

Isang basketball iconic coach ang nakagisnang nanay
Kaya siya ay nai-train sa basketball na tunay
Isang tao na hindi nagdamot na gumabay
Kahit sa hindi niya kakilala sa tanang buhay

Sumikat sa basketball , siya ay hinangaan
Ngunit isang araw sakit sa kidney ay lumitaw
Isang threat na maaring magpatigil sa kanyang kasikatan
Ngunit ito pala ang magpapabago sa buhay na nakagisnan

Naoperahan, gumaling pangalawang buhay ay nakamtan
Doon niya nakita ang purpose ng buhay na sa kanya ay laan
Ang galling sa basketball naging daan upang maging philanthropist din
Ang tumulong sa kapuwa ng buong damdamin


Nagpatayo siya ng Overtown Youth Center, isang tirahan
Naging tirahan ng halos 400 na mga batang lansangan
Nagpagraduate ng hindi mabilang na kabataan
At naging fund raiser ng Kidney disease, ang pangako niyang hinawakan

Naging Hall of Famer pa sa NBA, sa kanyang speech ay tinuran
Anumang naabot niya ay dahilan sa mga taong siya ay tinulungan
Lahat ng Blessings niya mula pagkabata na natanggap
Nararapat daw ibalik sa mga taong mas nangangailangan, yun ang kanyang pangarap

Ito si Alonso Mourning, sa basketball ay tanyag
Ang buhay niya ay isang maliwanag na pagpapahayag
Na kaya tayo ay narito sa mundong ating tahanan
May purpose tayong dapat gawin, at iyon ang dapat nating malaman.

“Maraming Salamat po sa pagbasa”

We are blessed to be a blessing to others!!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness