God is really good minsan di lang natin pansin
Laging nasa isip ay ang kasamaan kung lilimiin
Ngunit ang MIRACLES sabi nga minsan ay maliit
mata natin ay nakatuon, sa malalaki lang ipinipilit
Malaking milagro agad na hinahanap
Ngunit kapag di nakita disappointment ang hagap
sabi nga simpleng pagkakita sa nawawalang susi
Isang maliit na milagro, di lang natin mawari
God is really good, blessing niya ay nakakalat
Dumarating sa oras na hindi naman natin hanap
Halos pagsuko ay akapin kapag pag- asa ay nagpapaalam
Ngunit biglang durungaw ang milagro, sa ating harapan
Kaya huwag mawawalan ng pag-asa, sa oras ng kadiliman
Kahit pa buong sambayanan ikaw ay iwanan
God is really good, ilagay sa isipan
Hinding-hindi tayo NIYA kailanman pababayaan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento