Bagyo...isang aral

Walang kuryente..pakiramdam ay nasan
Sa ibang bayan ilaw ay ay nangagsindihan
Buti pa ang ulan na kanina ay bumagsak
Nais magbigay lamig sa loob na sinaksak

Wika ng ulan blessing ko ay tingnan
Patuloy na papatak sa mga kakahuyan
Kung pakiramdam ay unti unting naglalaho
Narito ako..papatak sa iyo ay di bibigo

Tama nga rin naman habang nakatingin
Sa sangang binali ng bagyong mahangin
Kahit pa sanga mo ay binali at sinaktan
Patuloy kang bubuhayin..didiligin ng pagmamahal naman

Patuloy na uusbong ang buhay na hiram at kay hirap
Kahit kinalimutan na ng nangakong pangarap
Isang aral mula sa kuryente na ngayon ay hanap
Maghintay..kaliwanagan ay nariyan sa isang iglap

Kaya kahit na lusak ang sa atin ay dala ng bagyo
Kaluluwa dapat ng bawat isa ay di nito kayang igupo
Putikang paa humayo at tumindig muli
Bangon, tumayo ng taas noo, itindig ang naaping lipi
                                             *picture from the associated press

Mga Komento

  1. Sang ayon ako sa iyong tinuraan
    Bagyo sa buhay, di talaga maiiwasan
    Positibong pananaw,lagi kailangan
    Pananampalataya at tiwala, ating tibayan

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness