Puzzle

Puzzle ganyan ang ating buhay
Kahit na kay hirap puno pa rin ng kulay
Maramig susuungin sa paglalakbay
Minsan masisilat pa, tawag ay sablay

Minsan kay ganda ng lakad biglang magugulat
Balik ng ilang space muli, balik sa may lamat
Minsan naman kay ganda ng lakad, Bonus ay walong lakad
Hanggang malaman na lang, panganib rin pala ang palad.

Tulad ng laro, kapag problema ay di nasagutan
Mananatiling nakalugmok, hintay uli ng kapalaran
Minsan hindi mo naman hinihintay
Blessing na di mabilang ay makikitang ibat-iba ang kulay

Buhay nga naman, Sana ay tulad ng larong ito ng kabataan
Na kapag hindi nasagot, naroon pa rin ang katuwaan
Siguro ang dapat tandaan, wala sa DICE (dikta ng tao)  ang kapalaran
Ito ay paano haharapin ng positibo ang buhay na nakalaan

Tulad ng pagharap ng isang musiko sa pyesang tutugtugin
Sa bawat measure accidentals ay kakaharapin
Kung magkamali man, tuloy lang at awitin
Ang natitirang tugtugin , upang matuwa ang AMA na composer natin!!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness