Katauhan sa Salamin

Kasalanan nais mo bang makita?
Humanap ng salamin at tingnan gamit ang mata
Ituro ng hintuturo ang katauhan sa salamin
Ituro ang sarili, kasalanan mo ay iyong hanapin

Bibig  na naibukas, tama ba ang tinuran
Tanungin  ang katauhang nasa iyong harapan
Languyin muna ang dagat na kay lawak
Bago tuldukan at simulan ang panghahamak

Maghukay alamin kung ano ang pinagmulan
Baka ang katauhan sa salamin ang may kagagawan
pakatitigan ang mukha mo at balikan
Balikan ang panahon, kung san nagsimula ang dahilan

Sukatan ng pakikipagkapuwa, sinusukat sa pagiging donya victorina
Gayong maanghang na salita naman ang ibinubuga
Sirkulo ng isang tao ay may kaibahan sa iba
Kaya kumparasyon ay walang halaga

Titigan ang sarili sa salamin
Gamitin ang kandila magdasal na mataimtim
Upang makita ng maliwanag ang dumi sa katauhan
duming dapat na unahin bago ang ilang taong walang kinalaman

Wag kalimutan ang tao sa salamin
Siya lang ang ang makakapagpapa alala ng dapat na isipin
Itanong sa kanya kung siya ay may kalinisan
Sa gayon maalaman kung sa pananakit tayo ba ay may karapatan

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness