Tuldok

Napapanahon ang paglipad
Upang ang malawak na lupa ay tumambad
Makapal at manipis na ulap ay susuungin
Parang agila na pilit na langit ay liliparin

Mula sa taas doon makikita ang katotohanan
Na ang problema sa lupa ay may kaliitan
Maliit ga tuldok ngunit kay hirap buhatin
Nararapat lamang na ito ay ating damhin

Malawak na lupa, malawak na kalangitan
Malawak na karagatang halos mundo ay higitan
Ganito kalawak ang kamay na sa atin ay aakap
Sa napakabigat na gatuldok na lagi nating buhat

Ito ay isang aral na sa aking nabasa kamakailan
nararapat na mula sa mata ng AGILA ay sundan
Lumipad ng kaytaas , above the storm ay kumampay
Pawiin ang suliraning sa ating kaluluwa ay nais lumatay

Ga-langgam, sing liit ng alikabok ang mga salita
Na lalatay sa ating ngalang SIYA ang may likha
Lahat ay napapanunghan ng matang may AWA
Mula sa itaas, iaabot ang KANYANG pagpapala



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness