The Praying Tree

Nanggagalit na hangin, umuugong na kapaligiran
Halos nais igiba ang mga puno na may katibayan
Ang ilan ay nagsimulang sumuko, ang ilan ay hindi
Patuloy na nakikipaglaban sa unos na matindi

Ang matibay na puno ng sampalok ay humahapay
ngunit kitang -kita na matindi ang kanyang paglaban sa buhay
Ang puno ng mga kawayan ay halos lupa ay halikan
Ngunit tumindig pa rin pagkatapos ng hirap na nagdaan

Ganito ang buhay ng mga tao sa lipunan
Ibat-iba pagdating ng problemang halos di makayanan
May sumusuko hinayaang sanga nila ay maputol
May nananatiling humahawak AMA, dasal ay ginugugol

Sa paglipas ng malakas na unos, wika nga ay mabigat na suliranin
Ang ibang puno ay nagpaalam na waring sa pagod na rin
Ngunit ang iba ay patuloy na nakikipaglaban, sa ano nga bang dahilan?
Maaaring sa sangkalupaan ay may Misyon pa silang isasakatuparan

Paminsan-minsan, wika nga ang BAGYO o unos ay isang aral
Aral na siyang nakakatulong sa atin upang maging matibay at di maging pagal
Sa gayon sa araw-araw nating paglalakbay
May baon tayong lakas mula sa bagyo na sa ating buhay ay nagbigay latay

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness