Ang Piyesa ng Buhay

Ang buhay ay parang isang malaking tugtugan
Minsan sa pagharap sa pyesa ikaw ay natitigilan
Natitigilan sa dami ng bilin na nakalagay
"Sharps and Flats", matitinding suliranin sa buhay

Sa bawat measure na iyong susuungin
Kailangang maingat na ito ay hatiin
May mga pangyayari sa buhay na sa iyo ay bibigla
Accidentals at pangyayari na dimo inaakala

Sa iyong paglakad habang nagbabasa ng tutugtugin
May malulungkot na parte minsan ang sasagi sa damdamin
Minsan ay may staccato na kailangang pagaanin
Upang maging masaya naman ang buhay natin

Sa paglalakbay sa buhay biglaang tempo ay masasalubong
Gugulatin ka kapagdaka ay mawawala ang hugong
Karamihan minsan ikaw ay magkakamali
Ngunit gaya ng buhay ito ay dapat ituloy hanggang sa huli

Sa pagkakamali sa notang nagbigay atensyon
Maari namang iwanan ngunit ito ay magsisilbing leksyon
Upang sa patuloy na paglalakbay sa pyesang nasa harapan
Maiwasan at maitama ang dating kamalian

Pagdating sa Koro minsan ay may makikita
Na hindi inaasahan sa buhay ay magpapasaya
Alegro, ibang artikulasyon at nangingitim na sulat
Anumpaman ito , susuungin, pag tanggi ay salat

Ang buhay ay puno ng ibat-ibang kulay
Crescendo, decrescendo ay isasabuhay
Minsan dumarating ang pagsukong tunay
Kapag halos hindi na makayanan ang hirap ng buhay

Ngunit ang pinasok ay ipinangakong tatapusin
Tatapusin ang pyesa na inako ng bukal sa damdamin
Itutuloy kahit anong hirap, ikaw man ay piitin
Iisa ang mithiin ang double bar at katapusan ay marating

Marating ng buong giting ang pyesang hinarap
Tapusin ng taas noo ang buhay na pinangarap
Pinangarap na tugtugin anupaman ang harapin
Upang bago itiklop ang pyesa,  Misyon ay na accomplished rin


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness