Paglalakbay

Ang buhay ay isang paglalakbay
Mahirap tanggihan itong tunay
Kailangang lumakad upang dulo ay marating
Kahit ano pa ang sa daan ay masaling

Ang buhay ay isang masayang paglalakbay
Pagkatuto ay nasa atin upang hawakan ang pagkasanay
Masayang kaibigan, masayang karanasan
Ano pa ang hahanapin, blessing ay nariyan

Ang buhay minsan ay hindi masaya ang hinaharap
Nariyan ang sakit ng loob, puno ng hirap
Ngunit kung ito ay nakasulat walang magagawa kundi akapin
Akapin ng buong higpit, hirap ay harapin

Ang buhay ay isang paglalakbay
Sa paglakad may balok na sa atin ay papatay
Ngunit nararapat na bumangon, agad sundan
Ang tatahaking daan, na sa buhay natin nakalaan

Ang mahalaga na dapat isaisip mandin
Nariyan ang Diyos na sa atin nagmamahal din
Siya ang araw ang buwan at tala na tatanglaw sa paglalakbay
Sa paglalakbay natin sa mundong sa buhay natin ay alay

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness