Real Happiness

"The happiest people aren't necessarily the ones with the most good fortune or wealth, they are the ones who share whatever they have to others"

Patuloy na pagbabahagi ay gagampanan
Kahit pa pagdating ng araw ikaw ay kalimutan
Katungkulan sa ating kapuwa sa kapaligiran
Patuloy na hahàwakan anuman ang hadlang

Parang piso na naibahagi mula sa puso
Hindi kailangang sukatin ng mayamang tuso
Kaalamang sa atin na  naipahiram
Paalala, ang ibahagi ito ay ating katungkulan

Kahit pakikinig ay sapat na
Sapat upang pagtulong ay ialay sa kapuwa
Parang ating musika na umaawit
Kailangang sa ating kapuwa ay masambit

Gasino na ang ating alayan
Ng kakaunting halaga sa blessing na natanggap naman
Ibahagi kahit ang oras kaysa masayang
At least ang buhay natin ay nagkaroon ng kasaysayan

Mga Komento

  1. Tunay ngang ang kaligayan,makikita sa simple lang
    Wala sa makamundong bagay, na lumilipas rin naman
    Mas higit ang saya, kung nagbabagi
    Ganitong mga bagay ang namamalagi

    Kaya sa pagbabahagi, huwag mag atubili
    Maigsi lang buhay, oras ay sasandali
    Ibigay ang nalalaman,nang walang alinlangan
    Iyong madarama,tunay na kagalakan

    Kung may makalimot man, wag malulungkot
    Ang mas mahalaga, sa'yo sila ay may napulot
    Salamat sa Ama, na nagbigay ng kakayahan
    Nasa pagbabahagi, tandaan, ang tunay na kaligayahan

    TumugonBurahin
  2. Ang mahalaga ay may napulot
    ang linyang ..saya sa akin ay nagdulot
    Napakalinaw ng nais ipaalam
    Derecho hanggat kakayahan ay dipa napaparam
    :) Salamat...............

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA