
Bagong bihis, parang panibagong araw din
Na sa atin ay sasalubong ng buong giting
Mga boteng patapon, binigyan ng buhay
Panibagong buhay na dati ay patay
Mga bote na sa aming paaralan ay nagbigay pangalan
Sabi nga ng iba ay "basura" lang naman
Ngunit sa basura nagmumula ang best na pagkakataon
Pagkakataong sa bawat isa sa atin ay mag aahon
\
Tulad ng basurang patapon ang buhay ng ilan
Wika nga sa kahirapan waring di maahon kailanman
Ngunit laging pakakaisipin tayo ay nilikha ng may dahillan
Maliit ka man o mahirap sa nasabing lipunan
Ang nararapat ay laging magpapanibagong bihis
Kapag buhay ay wala nang pagbabago dapat ng ilihis
Itayo ang sarili, itaas ang noo at katauhan
Ipakita sa mga higante sa lipunan na kaya mo rin kaibigan
Tulad ng bote na patapon sa aming paaralan
Bakit nga ba ito hindi inaasahang natuklasan
Maaring ito ay nakasulat na sa kapalaran
Dahil sa buhay , walang coincidence yun ang katotohanan
Kaya lakasan ang loob, lahat tayo ay may kahalagahan
Huwag mamaliitin ang sarili kapag tinapakan ng kapalaran
Kahalagahan mo ay nakatago lang, tunog ay dapat tuklasin
Pananampalataya ay hawakan, huwag itong paalpasin
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento