Katanungan

Nais na tanungin bakit po ganito?
Nais na tanungin, minsan nahahapo
Nais na tanungin ano ang dahilan?
Nais na tanungin ano po ang kulang?

Nais na tanungin, isip ay nalilito
Nalilito kung ano ang iisipin ng diwang hapo
Diwang hapo, sa pagtulong ay di nagkulang
Di nagkulang kahit hirap ay walang patlang

Kaytagal hinintay, kapag sinabi
Nag walang imik ang uming labi
Binibilang ang araw, patuloy na hinuhulaan
Angkasagutang naglalaro sa isip, tanong ay nasaan

Kapahingahan ay nasaan, ano ang hahantungan
Bakit nangyayari, ano ang kasalanan
Nais na hulaan ngunit hindi na makayanan
Hindi na makayanang isipin ang malabong kasagutan

Kapahingahan nasan ka, ibulong nag kasagutan
sa umaawit na hangin, musika ay sabayan
Ipadala na rin sa malungkot na kakahuyan
Upang dalahin ng kuliglig, kapahingahan ay masimulan

Minsan lubhang nakakapagod kapag di pinagtiwalaan
Na may maitutulong kahit pananalita lamang
Ang iwasan ay lubhang parang balaraw na nakakasugat
Ano nga ba ang kasagutan, sa puso ay gawing pilat....

Nawa lamang ay nakikita ang pagsusumikap
Pagsusumikap na pagtulong, walang hinahanap
Upang respeto man lamang sa TAO ay ibigay
Ibigay sa sinumang nararapat na respeto ay ialay

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness