
Lumalakad ang oras, pilit na lumilipas
Waring nais tumakbo ng paa at kumaripas
Simbilis ng panahon na dati ay tulog
Parang kailan lang , salita ay dumulog
Gaya ng puno na sintatag
mithiin ay biglang nailatag
Tila totoong nakaukit sa batuhan
Yun pala'y madudurog ng alon sa dalampasigan
Blindboy mata mo'y di makakita
ngunit pakiramdam ang malakas diba?
blind boy sa hangin ay pakiramdaman
mula sa Gabi lalakbayin ang umaga ng marahan
Dina maubos na katanungan
Minsan me sagot, wala naman kadalasan
Alayan ng panahon, ngunit walang balik
katanungang sumisigaw,, sabi ay "BAKIT?"
Di mahawakan, pangarap na may kalabuan
dati ay malinaw, dahil sabay na pinangakuan
"morendo" tunog ay nawawala sa dilim
Nais na sanang malaman ang lihim......
O tandang pananong nais ng magpahinga
Pasalaysay na pangungusap tuldok ang hanap na
pagod na sa " ! " sa hulihan ng kabiglaan
sana ang nakabitin na tanong ay matuldukan
(isang pagbabahagi po lamng)
kape
???
sinulat (january,2014)
simile,metaphor,personification
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento