"The happiest people aren't necessarily the ones with the most good fortune or wealth, they are the ones who share whatever they have to others"
Patuloy na pagbabahagi ay gagampanan
Kahit pa pagdating ng araw ikaw ay kalimutan
Katungkulan sa ating kapuwa sa kapaligiran
Patuloy na hahà wakan anuman ang hadlang
Parang piso na naibahagi mula sa puso
Hindi kailangang sukatin ng mayamang tuso
Kaalamang sa atin na naipahiram
Paalala, ang ibahagi ito ay ating katungkulan
Kahit pakikinig ay sapat na
Sapat upang pagtulong ay ialay sa kapuwa
Parang ating musika na umaawit
Kailangang sa ating kapuwa ay masambit
Gasino na ang ating alayan
Ng kakaunting halaga sa blessing na natanggap naman
Ibahagi kahit ang oras kaysa masayang
At least ang buhay natin ay nagkaroon ng kasaysayan
Tunay ngang ang kaligayan,makikita sa simple lang
TumugonBurahinWala sa makamundong bagay, na lumilipas rin naman
Mas higit ang saya, kung nagbabagi
Ganitong mga bagay ang namamalagi
Kaya sa pagbabahagi, huwag mag atubili
Maigsi lang buhay, oras ay sasandali
Ibigay ang nalalaman,nang walang alinlangan
Iyong madarama,tunay na kagalakan
Kung may makalimot man, wag malulungkot
Ang mas mahalaga, sa'yo sila ay may napulot
Salamat sa Ama, na nagbigay ng kakayahan
Nasa pagbabahagi, tandaan, ang tunay na kaligayahan
- toytoy
TumugonBurahinAng mahalaga ay may napulot
TumugonBurahinang linyang ..saya sa akin ay nagdulot
Napakalinaw ng nais ipaalam
Derecho hanggat kakayahan ay dipa napaparam
:) Salamat...............