MELODIC INTERVAL
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Sisi roon, sisi rito
Naglabasan ang mga pariseyo
Gitna ng pandemya hindi solusyon ang hanapin
Laging butas at lubak ang sisipatin
Edukasyon ay nasadlak sa hirap
Tuloy para maabot ang kanilang pangarap
Kahit halos walang kabayaran
Derecho para sa bokasyon nakagisnan
Sisi roon, Sisi rito
Naglabasan ang magagaling na Pariseyo
Hindi ituon ang mga sarili sa solusyon
laging hinahanap ay problemang nais magbaon
Matatalinong mga mangmang sa lipunan
Hindi naman makitang tumayo at nanguna sa kasagutan
Sisi roon sisi rito ang alam
Gayong sariling bakuran ay nalalampasan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento