Tunay na Kabanalan
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Minsan may mas mahalaga pa kaysa magkalapat na kamay
Ang derechong tumulong sa nangangailangang tunay
Ano ang saysay ng salitang sa bibig ay lumalabas
Kung hindi naman ito isinasakatuparan ng patas
Ang tunay na kabanalan, wika nga ay nasa pagbabahagi
Para makaiwas sa tulad ni Donya Victorina na pekeng dasal ang namumutawi
Tumayo, humayo, kumilos at ang kamay ay sa kapuwa ialay
Ito ang tunay na KABANALAN, ang tunay na halaga ng buhay!
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga sikat na post sa blog na ito
PESTENG LAMOK
Lamok tusok ka ng tusok Dugo ng kapuwa mo kinukuha ng iyong turok Parasite na hayop, nabubuhay dahil sa kapuwa Pagkatapos, iba pa ang masama Halos ibigay ng libre ang dugo na kailangan Tuwang-tuwa dahil libreng libre nga naman Ngunit kapag wala nang makuha Paninira ay bubulwak sa bibig na walang kwenta Halos napagaling, inalaagaan ng buong buhay Hindi man lang marunong tingnan ang kabutihang naibigay Nakukuha pang lumipad at ipamalita sa balana Na ang bumuo sa kanilang katauhan ay wala raw kwenta O lamok, tusok ka nang tusok kahit saan Matuto kang itikom ang bibig bilang paggalang Alalahanin mo na ang bumubuhay na dugo mo sa iyong katawan Galing sa mga walang” kwenta” sabi mo nga…na iyong pinaggalingan.
Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA
Itaas at ibaba. Mayaman at mahirap. Boss at alipin. Magaling at bobo. Ano pa? Ang mga pang-uri na kalimitan ay magkatunggali, magkasalungat, magka- iba ng ibig sabihin. Ang Una at ikalawang kabanata sa EL FILIBUSTERISMO ni Dr. Jose Rizal ay naglalarawan ng isang napakalinaw na pagkakahati sa lipunan. Narito ang ilan : 1. BAPOR TABO - Isang sasakyang pandagat na naglalarawan ng ating pamahalaan. Ang bilog na hugis nito ay nagpapahayag nang walang kasiguraduhang lakad ng ating pamahaaan sa pamamahala ng mga dayuhan. Ang pakulapol ( the paint was only splashed) na pintura nito ay isang pagtatakip sa tunay na anyo ng ating bulok na gobyerno. Sapagkat kapag ang isang bagay na may kalawang kahit pintahan ito ay kakalawangin pa rin. Hanggat nasa gobyerno ang mga taong walang pagmamahal sa sariling bayan, mananatili tayong isang kalawanging bansa. 2. TAAS NG KUBYERTA sa itaas ng ng deck o kubyerta, naroon ang mga mayayamang nagpapagalingan ng kanilang kakayahan. Napapabilang dito an
Real Happiness
"The happiest people aren't necessarily the ones with the most good fortune or wealth, they are the ones who share whatever they have to others" Patuloy na pagbabahagi ay gagampanan Kahit pa pagdating ng araw ikaw ay kalimutan Katungkulan sa ating kapuwa sa kapaligiran Patuloy na hahà wakan anuman ang hadlang Parang piso na naibahagi mula sa puso Hindi kailangang sukatin ng mayamang tuso Kaalamang sa atin na naipahiram Paalala, ang ibahagi ito ay ating katungkulan Kahit pakikinig ay sapat na Sapat upang pagtulong ay ialay sa kapuwa Parang ating musika na umaawit Kailangang sa ating kapuwa ay masambit Gasino na ang ating alayan Ng kakaunting halaga sa blessing na natanggap naman Ibahagi kahit ang oras kaysa masayang At least ang buhay natin ay nagkaroon ng kasaysayan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento