Music

Humuhuning mga ibon ang ngayon ay nagsasalimbayan
Pare-parehong nakiki awit sa Musika ng kabataan
Alas Dose ng tanghali, hawak ang mga instrumento
Hinahasa , nagtuturo,, nagbabahgi ng buong puso

Klasikal, man o hindi, derecho ang nakagisnan
Ang pagyamanin ang talino na sa kanila ay pahiram lang
Saksi ang mga ibon, oras ay di man lang sinasayang
Kahit sila pa ay di maunawaan sa kabayanan

Nakakatuwa at Chirp, roon at rito ang aking naririnig
Pati mga ibon ngayon ay sumasabay na humihimig
Kasabay naming nagpapasalamat sa AMA na nagkatiwala
Nagkatiwala ng regalong, sa buong buhay namin ay dina mawawala

Nawa ay matuklasan ang  gawin ito ng karamihan
Hanapin ang passion at iyon ay pagbutihan
Linangin, ibahagi, huwag na huwag ipagdamot sa kapuwa
Sapagkat ang ating buhay ay nilikha NIYA na puno ng tuwa.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness