Hear,See and Speak no Evil

Mata ng bulag, O sadyang kay palad
Di marunong manuri, sa kasalanan di mapapadpad
Tenga ng Bingi, ikaw ay kahangahanga
Walang nadirinig, mula sa mapanghusgang kapuwa

Dila ng Pipi, nararapat na pamarisan
Upang di makasakit at di makapatay sa karamihan
Mapalad silang lahat bagamat may kapansanan
Ngunit sa kaharian ng AMA sila ay may nakalaang upuan

O ang ating lipunan nga naman
Kay daming husay, liko naman ang alam
Kaya nararapat na alamin ang gamit ng mata,tenga at bibig
Upang sa mata ng AMA tayo ay maging kaibig-ibig



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness