Masaya kong isisigaw ang blessing na natanggap
Ang maging guro ng kabataang aking nililingap
Wala ng sasaya pa ang sila ay madinig
Madinig na naglilingkod sa simbahan ng buong pag-ibig
Laging ang bulong sa kanila ang talino ay hiram lang
Pahiram ng AMA na nararapat na pagyamanin naman
Kaya kung ano ang sa atin ay ibinigay
Nararapat na "MUSIKA" sa AMA ay ibalik at iaaly
Kaya kanina sa simbahan, ang aking pasasalamat
Sa mga kabataang naglingkod ng buong galak
Awit na "OUR FATHER" gumuguhit sa kaluluwa
Alam kong pagpapala mula sa AMA ay nariyan, dahil sa tuwa
Balana ay may talino na dapat hanapin
Hawakan at pagbutihin, dahil iyon ay ating "CALLING"
Sa gayon ang purpose ng ating buhay ay naisakatuparan
Walang nasayang na araw, ang paglalakbay na sa atin ay pinahiram lang
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento