Salamin....

Isang buong maghapon na naman ang lumipas
Salamin salamin sa dingding, sino ang may pusong wagas
Sila bang may salapi at kapangyarihan lang
O kahit sino, kahit sinong sa lupa ay naninirahan

Salamin salamin sa dingding, sino ang mga nagsisinungaling
Sila bang magdarasal na sa belo ay nakatago at ayaw masaling
Sila bang laging nagdarasal ngunit dumi naman ay nakatago
O ang mga taong kahit di nagsasalita, gawa ay kita sa puso

Salamin salamin sa dingding, nawa ay magising sa ingay ng batingting
Kalembang ng kampana, gisingin ang diwang sa pera ay lasing
Payak na pagkatao, natakluban ng kamanyang
Kaya ang dating payak, ngayon ay sobrang yabang

Salamin salamin sa dingding, nawa ay iyong kausapin
Ang puso ng ibang nabalot ng panimdim
Niyuyurakan ang mga kaluluwang muwang ay wala naman
Dahil lang sa nakikipayong sa gintong maitim ang kalooban

Ang tao nga naman kapag bibig ay nabusalan
Nagtatahimik lalo at pera ay kailangan
Pilit na nagbubulagbulagan sa katotohanan
O salamin nawa ay ipakita sa puso nila ang kaliwanagan


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness