Bakit nga ba sa panahon ngayon, sisihan doon, siihan dito ang tanging nalalaman. Kapag napasama ang buhay kagyat na ituturo ang kapuwa na kaylayo naman sa usapan, kapuwa na wala namang kinalaman. Kaydaling mag-akusa, kaydaling manuro ngunit di naman namamalayan na 3 hanggang 4 na daliri ang kanila ay nakaturo. Anong ibig sabihin nito? Kailangan siguro muna na humanap ng salamin, tingnan ang sariling puwing, titigan ang katauhan at hanapin ang sariling dumi bago sa iba ay makialam. Pinaka mabisang kasagutan sa mga katanungan, i tsek unang-una ang sarili kung may kakulangan, susugin ang dahilan, hanapin ang dulo kung ano ang kinalabasan at bigyan ng konklusyon,,,maaring sa iyo nagmula ang problemang sa iba mo ipinupukol. 
 Kaya sa susunod na daliri mo ay maninisi, mangyaring siguraduhin muna nating nai tsek ang ating sarili. Upang hindi bumalik sa iyo ang sa kapuwa mo ay iyong ipinupukol, iwasan ito upang di ka magkabukol.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness