
Sa bawat paglingon naghahanap ng ibig pakahulugan
Dahil alam ko lahat ng bagay ay may kahalagahan
Hahanapin ang aral na sa atin ay maibibigay
Upang sundan, aralin sa suliranin ay maging tulay
Mga puno ang sa akin ay biglang pumukaw
Nakakapagtaka nga naman sila ay matatag sa ilalim ng araw
Nakatayo ng buong giting, tibay ay maaaninag
Di kayang itumba ng bagyong sa bayan ay lumalatag
Hindi marunong magreklamo, lahat ay tanggap
Kahit init man o lamig pati na rin ang hanging hindi mayakap
Malakas ang pananampalatayang hindi siya pababayaan
HIndi pababayaan ng AMA na sa kanya ay nakapanunghan
Isang icon na dapat tularan ng mga tao sa lipunan
Icon sa sa tibay ng dibdib, problema ay kayang lampasam
hindi marunong magreklamo lahat ay handang tanggapin
Dahil alam niyang dasal niya araw-araw ay diringgin
Ito ang aral na sa mga puno ay masasalamin
Nilikha ng GOD upang ating tingalain
Sanga niyang waring nagdarasal kada oras
Isang paraan na pananampalataya sa atin ay di dapat mag wakas
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento