Ang tanging SUSI

Mangyaring pakatandaan ang sa iyo ay tumulong
Tumulong maabot ang pangarap mong nais isulong
Kahit TIME, PAKIKINIG, PERA MAN o hindi man
Sila ay may malaking naitulong, hindi iyon malilimutan

ito ang nawawala na sa mga kabataan ngayon
Kilala ka lang kapag ang tulong sa kanila ay aayon
Ngunit pagkatapos, tatalikuran kang parang busabos
Tingin sa sarili, sila ang sa kanila ay tumulong ng taos

Tsk,tsk, hindi nalalaman na iisa ang tunay na dahilan
Dahilan kung bakit narating nila ang pangarap na sinundan
Ito ay dahil sa marunong silang lumingon sa pinanggalingan
Pinanggalingan na siyang sa kanila ay naging hagdan

Always remember the people on your way up
Because they will be the same people on your way down
Bakit nga ba? ang sagot ay may kalinawan
Dahil kung di ka niya mahal, una pa lang pagtulong niya ay di bibitiwan

Kaya nawa ang TANGING SUSI ay ilagay sa isipan
Tayo ay hindi nilikha sa mundo upang magsarili lang
SUSI ng  pagtanaw ng utang na loob ay wag kalimutan
Upang madaling makarating s nais patunguhan

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness