KREDIT KARD

Basahin mo ang mensahe na nais iparating
Nang larawang pupukaw sa iyong paningin
CRedit card ng mayayaman, dukha ay wala niyan
Ngunit ang katotohanan nakatago sa likuran,

Bihis na iba-iba, branded pa yan!
Di baleng utang basta siya ay hangaan
Pose run at rito, para like ay bilangin
Kahit nagkakanda kuba na ang provider, ok pa rin.

Nais hangaan ng tao, ngunit pinapatay naman inaasahan,
Kulay ng buhok, paunat, pakulot, credit card naman ay nariyan,
Ngunit patuloy na pinapatay ang mahal sa buhay,
Walang pakialam, kahit mamatay sa kakahanapbuhay

Relo na di mabilang, pares- pares na alahas,
Ngunit wala namang gawa kundi humilata na parang ahas,
Credit Card, pakitang tao ang yaman,
Ngunit patuloy na pinapatay ang taong "inaasahan"

Tsk.tsk. Bangon, kilos, Trabaho ay hanapin ng mata,
Bumangon sa nakagisnang luho wag pahirapan ang iba,
Kaawa awa ang "provider" na walang tigil sa hanapbuhay
Pinapatay mo na araw-araw dahil sa kayabangang taglay

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness