Parable of the Sower...Listening and Understanding..

" THE SEED THAT FALLS ON GOOD GROUND WILL YIELD A FRUITFUL HARVEST"

Isang aral na nagbibigay ng katuruan
Ukol sa pagtatanim na kaylalim ng kahulugan
Isang parable ng magtatanim
Na nais magbigay ng meaning na kay lalim

Kapag ang ang isang seed raw ay sa batuhan bumagsak
Ito ay tutubo sandali ngunit buhay agad ay lalagpak
Kapag ito naman ay bumagsak kasama ng weeds na halaman
Mamamatay rin ito sa madaling panahon naman

Ngunit kung ang seed ay sa Good Soil nahulog
Ito ay lalago pagtubo ay di kailanman lulubog
patuloy na uusbong ang sanga at mga dahon
Patuloy na mamumunga hanggang dumating ang dapithapon

Tatlong grupo ng tao ang tinutukoy nito
Merong di nakikinig, may nadistract ng problemang gumugulo
Ngunit ang isa ay ang mga nakinig at nakaunawa
Sila ang mga taong magiging matagumpay talaga

Panahong nailaan ng huling grupo ay di nasayang
Maaring talino ay pinagyaman oras ay nai saalang-alang
Kaya agad namunga sabay ng pagyabong ng dahon at prutas
Pagyabong ng pagpapala na matatanggap hanggang wakas

marami itong nais ipakahulugan
maaring nababatay sa ibang parte ng ating buhay
Iisa lang ang nais nitong ipaalam
pag-unawa at pagsasagawa ang tunay nitong kahalagahan

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness