Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2014

Bagong bihis, Bagong buhay

Imahe
Bagong bihis, parang panibagong araw din Na sa atin ay sasalubong ng buong giting Mga boteng patapon, binigyan ng buhay Panibagong buhay na dati ay patay Mga bote na sa aming paaralan ay nagbigay pangalan Sabi nga ng iba ay "basura" lang naman Ngunit sa basura nagmumula ang best na pagkakataon Pagkakataong sa bawat isa sa atin ay mag aahon \ Tulad ng basurang patapon ang buhay ng ilan Wika nga sa kahirapan waring di maahon kailanman Ngunit laging pakakaisipin tayo ay nilikha ng may dahillan Maliit ka man o mahirap sa nasabing lipunan Ang nararapat ay laging magpapanibagong bihis Kapag buhay ay wala nang pagbabago dapat ng ilihis Itayo ang sarili, itaas ang noo at katauhan Ipakita sa mga higante sa lipunan na kaya mo rin kaibigan Tulad ng bote na patapon sa aming paaralan Bakit nga ba ito hindi inaasahang natuklasan Maaring ito ay nakasulat na sa kapalaran Dahil sa buhay , walang coincidence yun ang katotohanan Kaya lakasan ang loob, lahat tayo ay may

Hungkag na Kaharian

Imahe
Kaharian ang tingin ng iba sa ating kapaligiran Naghahari-harian dahil sa kanilang kayamanan Waring tama ang winiwika sa tuwing bubukas ang bibig Ngunit sablay naman, mababaw pa sa tunog ng kuliglig Naglalagay ng sariling korona kahit di sabihin Ang batayan ay nakakaangat sila, yun ang nais wikain Magandang bahay, abroad, malaking sweldo at karangyaan Ang ginagawang sukatan, upang mantapak ng karamihan Ano ang saysay ng pagtulong kung bibig naman ay nakakahiwa Anong saysay ng pagtulong kung wala namang kapuwa Anong saysay ng pagtulong kung tuturuan na magsinungaling Upang pagtakpan ang kasamaan, yun ang tanging hiling Tulad ng nasa larawan, malaking palasyo ang naitayo may suot na korona, ngunit hungkag ang katauhan at puso Plastic na matatawag, pulos pagpapaimbabaw Upang purihin at tingalain lang sila kada araw O ang lipunan nga naman, bakit ganoon ang batayan Kapag wala kang salapi, turing ay isang basurahan Kung ipinanganak na di gaanong mapalad sa katalinuhan

Puzzle

Imahe
Puzzle ganyan ang ating buhay Kahit na kay hirap puno pa rin ng kulay Maramig susuungin sa paglalakbay Minsan masisilat pa, tawag ay sablay Minsan kay ganda ng lakad biglang magugulat Balik ng ilang space muli, balik sa may lamat Minsan naman kay ganda ng lakad, Bonus ay walong lakad Hanggang malaman na lang, panganib rin pala ang palad. Tulad ng laro, kapag problema ay di nasagutan Mananatiling nakalugmok, hintay uli ng kapalaran Minsan hindi mo naman hinihintay Blessing na di mabilang ay makikitang ibat-iba ang kulay Buhay nga naman, Sana ay tulad ng larong ito ng kabataan Na kapag hindi nasagot, naroon pa rin ang katuwaan Siguro ang dapat tandaan, wala sa DICE (dikta ng tao)  ang kapalaran Ito ay paano haharapin ng positibo ang buhay na nakalaan Tulad ng pagharap ng isang musiko sa pyesang tutugtugin Sa bawat measure accidentals ay kakaharapin Kung magkamali man, tuloy lang at awitin Ang natitirang tugtugin , upang matuwa ang AMA na composer natin!!

Agila at pangarap

Imahe
Abutin ang pangarap tulad ng Agila sa himpapawid Nangangarap na lumipad ng mataas, nais tumawid Tumawid sa madilim na ulap na kanyang nais lampasan Ginagawang lakas upang ikampay ang pakpak ng buong kalakasan May malinaw na paningin sa nais abutin Kahit na kay layo pa ng nais dagitin Naka focus ang isip sa pangarap na nais marating hindi titigilan hanggang di naabot, walang maaring sumaling Mataas lumipad ngunit di nalilimutang bumalik Sa iniwang inakay upang akapin at tuka ay ihalik Ito ang icon na dapat pamarisan ng karamihan Kahit saan makarating, nararapat na paglingon ay di malimutan Alalahanin ang paglipad ng agila kahit anong taas din Naroon ag pagbalik sa mga taong sa atin ay tumulong ng buo sa damdamin Masarap lumipad ng mataas ngunit dapat na isip ay paganahin Na hindi lamang kayamanan ang laging nais abutin Kung sa ating paglipad, isip ay nabulag sa dilim Laging alalahanin, success ay di sa pera lang ang diin Ito ay ang kasamang kasiyahan at pagtulong a

Real Happiness

Imahe
"The happiest people aren't necessarily the ones with the most good fortune or wealth, they are the ones who share whatever they have to others" Patuloy na pagbabahagi ay gagampanan Kahit pa pagdating ng araw ikaw ay kalimutan Katungkulan sa ating kapuwa sa kapaligiran Patuloy na hahàwakan anuman ang hadlang Parang piso na naibahagi mula sa puso Hindi kailangang sukatin ng mayamang tuso Kaalamang sa atin na  naipahiram Paalala, ang ibahagi ito ay ating katungkulan Kahit pakikinig ay sapat na Sapat upang pagtulong ay ialay sa kapuwa Parang ating musika na umaawit Kailangang sa ating kapuwa ay masambit Gasino na ang ating alayan Ng kakaunting halaga sa blessing na natanggap naman Ibahagi kahit ang oras kaysa masayang At least ang buhay natin ay nagkaroon ng kasaysayan

BLIND BOY

Imahe
Blind boy nasan na? Pakiramdam na pinagpala Blind boy nasan na? Naglaho na bang talaga Iisa lang ang kapalit Ang sa isipan ay di mawaglit Na pakiramdaman ang kapuwa Di man makita, sa isipan ay maalala Dumaan ang unos Nagliwanag na't puno ng galos Ngunit pangako kasamang nilipad Nilipad ng hangin dina alam, saan napadpad Ito ang katangian na sa bawat isa ay dapat masalamin Kailangang pakiramdam at respeto ay gamitin Parang Musika na sa isip ay humuhugong Kahit malayo nararapat sa isipan ay bumubulong Blind boy nasan na? Limang araw na unos, ikaw ba ay masaya Blind boy nasan na? .....sa hangin ay ipaalam Sana pakiramdam mo ay di maparam

Sukatan

Imahe
Kapuwa tao..marami sa kapaigiran Nilikha tayo sa mundo ma may kasamahan Ngunit paano nga ba ito masusukat Sino ang makakàpagsabi kung ikaw ay salat? Bibig na kay daling manghusga nawa ay mag isip Sapagkat di ikaw ang basehan..di ikaw sana ay malirip Ang sukatan pagkaminsan ay pag dumating sa huling hantungan hantungan na susukat sa dami ng tao sa libingan ikaw ay sinamahan Kaya ang perang pangmalakihan ng karamihan Na pambusog sa mata ng nais pasunurin sa kagustuhan Hindi maaring sukatan ng tunay na pakikipagkapuwa tao sapagkat ang kayamanan ay di nakakabusog ng puso Ganito ang katotohanan na dapat tanggapin Hindi ang bibig na na kaydaling manukat mandin Minsan nasa puso ng mga taong ating natulungan Kahit sarado ang bibig, puso nila ang sisigaw ng ating kabutihan

Good Samaritan

Imahe
Iba ang kulay waring di pinagtitiwalaan Kung maputi maaring ugali ay di mawawarian Ibang kultura takot ko ay baka di maunawaan Ngunit lahat ng sapantaha ko'y malaking kamalian Hindi pala maaring pagbasehan ang nasabi Sapagkat ang kabutihan ng tao ay sa kalooban namamayani Wala sa lahi, wala sa kulturang kinalakihan Kundi nasa busilak na puso na di nakatago sa kayamanan Isang Ingles na nagbahagi rin ng buhay Mula ng tumuntong sa banyagang bansa para rin siyang pinatay Pinatay sa panibagong pakikisama sa mga taong nakasalamuha Pinatay sa hirap ng dinatnang pagbabago sa dayuhang bansa Kaya isang lapit lang sa kanya di siya ng isang salita Kahit di pa kami nagkikita, tulong niya ay inilathala Magalang na pananalita sa telepono, di masakit na parang nakakahiwa tulong niya ay inialay, buong puso at kaluluwa Isang patunay na ang kapuwa tao natin sa mundo ay nakakalat Minsan nasa Mexicano at ibang lahi na ibang kulay ang balat Ganito ka- mapagmahal ang ating Ama sa ka

Commitment

Imahe
I will do more than give..I will serve Pagtulong ay mas higit sa pagbibigay Pagbibigay di lamang materyal na bagay Tulungan ng walang pasubali ang kapuwa Ay kabanalan na matatawag pagbibigay awa I will do more than teach..I will inspire Your life is your message wika nga Kaalamang naipasa ng walang puso ay hungkag I will do more than believe...I will practice We learn by doing yun ang mas tama Doktrinang di naisagawa,halaga ay wala I will do more than help...I will care Madaling ipamalita amg kabaitan Ngunit kung ikaw ay nakaupo lang,saysay ay wala lang Dumating man ang mabibigat na pagsubok Tumayo at iwasang malugmok Kaya sa lahat ng bagay best ang kailangan Yun ang mission natin dito sa sangkalupaan

Bagyo...isang aral

Imahe
Walang kuryente..pakiramdam ay nasan Sa ibang bayan ilaw ay ay nangagsindihan Buti pa ang ulan na kanina ay bumagsak Nais magbigay lamig sa loob na sinaksak Wika ng ulan blessing ko ay tingnan Patuloy na papatak sa mga kakahuyan Kung pakiramdam ay unti unting naglalaho Narito ako..papatak sa iyo ay di bibigo Tama nga rin naman habang nakatingin Sa sangang binali ng bagyong mahangin Kahit pa sanga mo ay binali at sinaktan Patuloy kang bubuhayin..didiligin ng pagmamahal naman Patuloy na uusbong ang buhay na hiram at kay hirap Kahit kinalimutan na ng nangakong pangarap Isang aral mula sa kuryente na ngayon ay hanap Maghintay..kaliwanagan ay nariyan sa isang iglap Kaya kahit na lusak ang sa atin ay dala ng bagyo Kaluluwa dapat ng bawat isa ay di nito kayang igupo Putikang paa humayo at tumindig muli Bangon, tumayo ng taas noo, itindig ang naaping lipi                                              *picture from the associated press

The Praying Tree

Imahe
Nanggagalit na hangin, umuugong na kapaligiran Halos nais igiba ang mga puno na may katibayan Ang ilan ay nagsimulang sumuko, ang ilan ay hindi Patuloy na nakikipaglaban sa unos na matindi Ang matibay na puno ng sampalok ay humahapay ngunit kitang -kita na matindi ang kanyang paglaban sa buhay Ang puno ng mga kawayan ay halos lupa ay halikan Ngunit tumindig pa rin pagkatapos ng hirap na nagdaan Ganito ang buhay ng mga tao sa lipunan Ibat-iba pagdating ng problemang halos di makayanan May sumusuko hinayaang sanga nila ay maputol May nananatiling humahawak AMA, dasal ay ginugugol Sa paglipas ng malakas na unos, wika nga ay mabigat na suliranin Ang ibang puno ay nagpaalam na waring sa pagod na rin Ngunit ang iba ay patuloy na nakikipaglaban, sa ano nga bang dahilan? Maaaring sa sangkalupaan ay may Misyon pa silang isasakatuparan Paminsan-minsan, wika nga ang BAGYO o unos ay isang aral Aral na siyang nakakatulong sa atin upang maging matibay at di maging paga

WHAT MATTERS MOST

Imahe
Sa ating paglalakbay  kahit na ubod ng hirap Hirap na halos nais pumiit sa ating mga pangarap Iisa ang pinakamahalaga na dapat nating isaisip Na sa atin bang paglalakbay tayo ay di nainip Walang pinakamahalaga kundi ang ikaw ay naging pagpapala Blessings sa ibang tao na naghihintay ng munting awa Wika nga sa awitin walang ibang mahalaga Kundi ang ikaw ay umibig o tumulong na puno ng pagpapala "Its' not how long we held each other`s hand What matters is how we loved each other It`s not how far we traveled on our way But what we found to say It`s not the spring we`ve seen But all the shades of green It`s not how long I held you in my arms What matters is how sweet the years together Chorus: It`s not how many summertimes we had to give to fall The early morning smiles We tearfully recall What matters most Is that we loved at all Minsan pumapasok sa ating isipan Maraming tanong na kayhirap hanapan ng kasagutan Hal

Ang tunay na CHAMPIONS!!

Imahe
CHAMPIONS sino nga ba sila sa pamayanan? May ganito pa ba kahit na KOMPYUTER ang nasa kapaligiran CHAMPIONS na matatawag dahil hindi sila sakim Handang tumulong sa kahit anong paraan, kahit kay hirap mandin Champions ! Sila ay may pusong busilak Gagastos ng salapi kahit kulang pa para sa anak Gagastos, tutulong kahit sa paanong paraan Upang makatulong lamang sa nangangailangan Champions na matatawag ang sa kapuwa ay may misyon Kahit sa paanong paraan, nais na pagtulong ay iayon Kahit pa halos lahat sa pamayanan ay hindi naniniwala Tuloy ang adbokasiya ng pagtulong, buhay na pagpapala CHAMPIONS for children ang mga batang sa Unicef ay tumutulong Kahit piso mula sa kanilang baon, iniipon upang pag-ibig sa iba ay ibulong Champions for children dahil sa mura nilang isip ay nagbabahagi Nagbabahagi ng pagtulong kaya sila sa mata ng GOD ay "wagi"!!

Salamin....

Imahe
Isang buong maghapon na naman ang lumipas Salamin salamin sa dingding, sino ang may pusong wagas Sila bang may salapi at kapangyarihan lang O kahit sino, kahit sinong sa lupa ay naninirahan Salamin salamin sa dingding, sino ang mga nagsisinungaling Sila bang magdarasal na sa belo ay nakatago at ayaw masaling Sila bang laging nagdarasal ngunit dumi naman ay nakatago O ang mga taong kahit di nagsasalita, gawa ay kita sa puso Salamin salamin sa dingding, nawa ay magising sa ingay ng batingting Kalembang ng kampana, gisingin ang diwang sa pera ay lasing Payak na pagkatao, natakluban ng kamanyang Kaya ang dating payak, ngayon ay sobrang yabang Salamin salamin sa dingding, nawa ay iyong kausapin Ang puso ng ibang nabalot ng panimdim Niyuyurakan ang mga kaluluwang muwang ay wala naman Dahil lang sa nakikipayong sa gintong maitim ang kalooban Ang tao nga naman kapag bibig ay nabusalan Nagtatahimik lalo at pera ay kailangan Pilit na nagbubulagbulagan sa katotohanan O sala

PUNO

Imahe
Sa bawat paglingon naghahanap ng ibig pakahulugan Dahil alam ko lahat ng bagay ay may kahalagahan Hahanapin ang aral na sa atin ay maibibigay Upang sundan, aralin sa suliranin ay maging tulay Mga puno ang sa akin ay biglang pumukaw Nakakapagtaka nga naman sila ay matatag sa ilalim ng araw Nakatayo ng buong giting, tibay ay maaaninag Di kayang itumba ng bagyong sa bayan ay lumalatag Hindi marunong magreklamo, lahat ay tanggap Kahit init man o lamig pati na rin ang hanging hindi mayakap Malakas ang pananampalatayang hindi siya pababayaan HIndi pababayaan ng AMA na sa kanya ay nakapanunghan Isang icon na dapat tularan ng mga tao sa lipunan Icon sa sa tibay ng dibdib, problema ay kayang lampasam hindi marunong magreklamo lahat ay handang tanggapin Dahil alam niyang dasal niya araw-araw ay diringgin Ito ang aral na sa mga puno ay masasalamin Nilikha ng GOD upang ating tingalain Sanga niyang waring nagdarasal kada oras Isang paraan na pananampalataya sa atin ay di dapa

Music

Imahe
Humuhuning mga ibon ang ngayon ay nagsasalimbayan Pare-parehong nakiki awit sa Musika ng kabataan Alas Dose ng tanghali, hawak ang mga instrumento Hinahasa , nagtuturo,, nagbabahgi ng buong puso Klasikal, man o hindi, derecho ang nakagisnan Ang pagyamanin ang talino na sa kanila ay pahiram lang Saksi ang mga ibon, oras ay di man lang sinasayang Kahit sila pa ay di maunawaan sa kabayanan Nakakatuwa at Chirp, roon at rito ang aking naririnig Pati mga ibon ngayon ay sumasabay na humihimig Kasabay naming nagpapasalamat sa AMA na nagkatiwala Nagkatiwala ng regalong, sa buong buhay namin ay dina mawawala Nawa ay matuklasan ang  gawin ito ng karamihan Hanapin ang passion at iyon ay pagbutihan Linangin, ibahagi, huwag na huwag ipagdamot sa kapuwa Sapagkat ang ating buhay ay nilikha NIYA na puno ng tuwa.

Parable of the Sower...Listening and Understanding..

Imahe
" THE SEED THAT FALLS ON GOOD GROUND WILL YIELD A FRUITFUL HARVEST" Isang aral na nagbibigay ng katuruan Ukol sa pagtatanim na kaylalim ng kahulugan Isang parable ng magtatanim Na nais magbigay ng meaning na kay lalim Kapag ang ang isang seed raw ay sa batuhan bumagsak Ito ay tutubo sandali ngunit buhay agad ay lalagpak Kapag ito naman ay bumagsak kasama ng weeds na halaman Mamamatay rin ito sa madaling panahon naman Ngunit kung ang seed ay sa Good Soil nahulog Ito ay lalago pagtubo ay di kailanman lulubog patuloy na uusbong ang sanga at mga dahon Patuloy na mamumunga hanggang dumating ang dapithapon Tatlong grupo ng tao ang tinutukoy nito Merong di nakikinig, may nadistract ng problemang gumugulo Ngunit ang isa ay ang mga nakinig at nakaunawa Sila ang mga taong magiging matagumpay talaga Panahong nailaan ng huling grupo ay di nasayang Maaring talino ay pinagyaman oras ay nai saalang-alang Kaya agad namunga sabay ng pagyabong ng dahon at prutas Pagyab

Blessing

Imahe
Masaya kong isisigaw ang blessing na natanggap Ang maging guro ng kabataang aking nililingap Wala ng sasaya pa ang sila ay madinig Madinig na naglilingkod sa simbahan ng buong pag-ibig Laging ang bulong sa kanila ang talino ay hiram lang Pahiram ng AMA na nararapat na pagyamanin naman Kaya kung ano ang sa atin ay ibinigay Nararapat na "MUSIKA" sa AMA ay ibalik at iaaly Kaya kanina sa simbahan, ang aking pasasalamat Sa mga kabataang naglingkod ng buong galak Awit na "OUR FATHER" gumuguhit sa kaluluwa Alam kong pagpapala mula sa AMA ay nariyan, dahil sa tuwa Balana ay may talino na dapat hanapin Hawakan at pagbutihin, dahil iyon ay ating "CALLING" Sa gayon ang purpose ng ating buhay ay naisakatuparan Walang nasayang na araw, ang paglalakbay na sa atin ay pinahiram lang

Ang tanging SUSI

Imahe
Mangyaring pakatandaan ang sa iyo ay tumulong Tumulong maabot ang pangarap mong nais isulong Kahit TIME, PAKIKINIG, PERA MAN o hindi man Sila ay may malaking naitulong, hindi iyon malilimutan ito ang nawawala na sa mga kabataan ngayon Kilala ka lang kapag ang tulong sa kanila ay aayon Ngunit pagkatapos, tatalikuran kang parang busabos Tingin sa sarili, sila ang sa kanila ay tumulong ng taos Tsk,tsk, hindi nalalaman na iisa ang tunay na dahilan Dahilan kung bakit narating nila ang pangarap na sinundan Ito ay dahil sa marunong silang lumingon sa pinanggalingan Pinanggalingan na siyang sa kanila ay naging hagdan Always remember the people on your way up Because they will be the same people on your way down Bakit nga ba? ang sagot ay may kalinawan Dahil kung di ka niya mahal, una pa lang pagtulong niya ay di bibitiwan Kaya nawa ang TANGING SUSI ay ilagay sa isipan Tayo ay hindi nilikha sa mundo upang magsarili lang SUSI ng  pagtanaw ng utang na lo
Imahe
Bakit nga ba sa panahon ngayon, sisihan doon, siihan dito ang tanging nalalaman. Kapag napasama ang buhay kagyat na ituturo ang kapuwa na kaylayo naman sa usapan, kapuwa na wala namang kinalaman. Kaydaling mag-akusa, kaydaling manuro ngunit di naman namamalayan na 3 hanggang 4 na daliri ang kanila ay nakaturo. Anong ibig sabihin nito? Kailangan siguro muna na humanap ng salamin, tingnan ang sariling puwing, titigan ang katauhan at hanapin ang sariling dumi bago sa iba ay makialam. Pinaka mabisang kasagutan sa mga katanungan, i tsek unang-una ang sarili kung may kakulangan, susugin ang dahilan, hanapin ang dulo kung ano ang kinalabasan at bigyan ng konklusyon,,,maaring sa iyo nagmula ang problemang sa iba mo ipinupukol.   Kaya sa susunod na daliri mo ay maninisi, mangyaring siguraduhin muna nating nai tsek ang ating sarili. Upang hindi bumalik sa iyo ang sa kapuwa mo ay iyong ipinupukol, iwasan ito upang di ka magkabukol.
Imahe
Life is an EXCHANGE, dapat tandaan Nilikha tayo na may kasama sa kalupaan Nilikha upang magbahagi ng anumang kaalaman Lalo na kung ito ay libreng natutunan Ideya na sa atin ay malayang  ibinigay Kailangang i extend sa iba, misyon ng buhay Alalahanin na ang tunay na kabanalan Ay laging magbahagi, sa nangangailangan

Tunay na Kabanalan

Imahe
Minsan may mas mahalaga pa kaysa magkalapat na kamay Ang derechong tumulong sa nangangailangang tunay Ano ang saysay ng salitang sa bibig ay lumalabas Kung hindi naman ito isinasakatuparan ng patas Ang tunay na kabanalan, wika nga ay nasa pagbabahagi Para makaiwas sa tulad ni Donya Victorina na pekeng dasal ang namumutawi Tumayo, humayo, kumilos at ang kamay ay sa kapuwa ialay Ito ang tunay na KABANALAN, ang tunay na halaga ng buhay!

Hear,See and Speak no Evil

Imahe
Mata ng bulag, O sadyang kay palad Di marunong manuri, sa kasalanan di mapapadpad Tenga ng Bingi, ikaw ay kahangahanga Walang nadirinig, mula sa mapanghusgang kapuwa Dila ng Pipi, nararapat na pamarisan Upang di makasakit at di makapatay sa karamihan Mapalad silang lahat bagamat may kapansanan Ngunit sa kaharian ng AMA sila ay may nakalaang upuan O ang ating lipunan nga naman Kay daming husay, liko naman ang alam Kaya nararapat na alamin ang gamit ng mata,tenga at bibig Upang sa mata ng AMA tayo ay maging kaibig-ibig

Do Good Anyway...

Imahe
Better Decisions, We now should do Better actions, we'll push it too Better thoughts must enter our mind So it'll be fine when yesterday has its rewind Physically tired our body wants to say But OH, our mind, just told us to pray Helping those in need, equals lessened burdens Unconditional love, shouts it happens Help anyway even they could not Do good anyway, even if you wear million hats Give anyway even if it is against all odds What matter's is GOOD DEEDS, We add

Life's Purpose

Imahe
Lahat ng bagay ay may kahalagahan, Lahat ng nangyayari ay may kadahilanan Tanging nararapat gawin ay hanapin lang Upang buhay ay may patutunguhan Ano nga ba ang saysay ng buhay natin sa maghapon Kung hahayaan nating lumipas ang oras, at itapon Kahit isang GOOD deed nawa ay may mapatunayan Iaalay sa kapuwa ang anumang makakayanan Hindi lahat ng pagtulong ay sa pera nakabatay Kahit munting oras at pakikinig sapat na na alay Lahat tayo ay may Purpose kaya nasa kalupaan To make a difference and to touch one's lives , misyong nakalaan