Mga Post
Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2014
Ang Piyesa ng Buhay
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Ang buhay ay parang isang malaking tugtugan Minsan sa pagharap sa pyesa ikaw ay natitigilan Natitigilan sa dami ng bilin na nakalagay "Sharps and Flats", matitinding suliranin sa buhay Sa bawat measure na iyong susuungin Kailangang maingat na ito ay hatiin May mga pangyayari sa buhay na sa iyo ay bibigla Accidentals at pangyayari na dimo inaakala Sa iyong paglakad habang nagbabasa ng tutugtugin May malulungkot na parte minsan ang sasagi sa damdamin Minsan ay may staccato na kailangang pagaanin Upang maging masaya naman ang buhay natin Sa paglalakbay sa buhay biglaang tempo ay masasalubong Gugulatin ka kapagdaka ay mawawala ang hugong Karamihan minsan ikaw ay magkakamali Ngunit gaya ng buhay ito ay dapat ituloy hanggang sa huli Sa pagkakamali sa notang nagbigay atensyon Maari namang iwanan ngunit ito ay magsisilbing leksyon Upang sa patuloy na paglalakbay sa pyesang nasa harapan Maiwasan at maitama ang dating kamalian Pagdatin
Silent Prayer
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Prayer is real only when done with your whole heart. Reserve the sound of your voice for other people. God hears only what's in your heart Blessing in disguise, isang paalala Kakatanggap ko lang ito kanina Wika nga, kahit hindi ibukas ang bibig Kapag tunay ang nasa puso ito tunay at kaibig-ibig Hindi na natin kailangang ipagsigawan ang ating dasal Kahit sing hina ng tibok ito ay dadatal Dinig ng Diyos ang ating hinaing Kahit ga- hinga lang, dinig niya ang ating daing Wika nga, ireserba na lang natin ang ating boses sa nangangailangan Boses ng pagtulong kahit tayo ay nasa gitna ng kadiliman Hindi na kailangang tayo ay magdasal at tumawag Kita niya na kahit sa gitna ng hirap, kapuwa natin ay hinaharap Bless other people, and God will take care of our needs Do your best to walk and do your good deeds God hears what is in our heart and our silent cry Kaya wag mag-alala, help other people, just give a try....
??
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Lumalakad ang oras, pilit na lumilipas Waring nais tumakbo ng paa at kumaripas Simbilis ng panahon na dati ay tulog Parang kailan lang , salita ay dumulog Gaya ng puno na sintatag mithiin ay biglang nailatag Tila totoong nakaukit sa batuhan Yun pala'y madudurog ng alon sa dalampasigan Blindboy mata mo'y di makakita ngunit pakiramdam ang malakas diba? blind boy sa hangin ay pakiramdaman mula sa Gabi lalakbayin ang umaga ng marahan Dina maubos na katanungan Minsan me sagot, wala naman kadalasan Alayan ng panahon, ngunit walang balik katanungang sumisigaw,, sabi ay "BAKIT?" Di mahawakan, pangarap na may kalabuan dati ay malinaw, dahil sabay na pinangakuan "morendo" tunog ay nawawala sa dilim Nais na sanang malaman ang lihim...... O tandang pananong nais ng magpahinga Pasalaysay na pangungusap tuldok ang hanap na pagod na sa " ! " sa hulihan ng kabiglaan sana ang nakabitin na tanong ay matuldukan
LIFE....a DIFFICULT EXAM
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Life is the most difficult exam, Many people FAIL because they tried to copy others, not realizing that everyone has a different question papers. Ito ang examination ng kabataan Isa-isa silang opinyon ay pinakinggan Magaganda ang kanilang paliwanag Me punto bawat isa sa kanila, na maaaninag IIsa ang kanilang pinupunto sa examinasyon Iba-iba ang ating katauhan at imahinasyon Kaya nagiging FAILURE and ating buhay Dahil sa panggagaya at pagkainggit na tunay Hindi magiging SUCCESSFUL ang kinabukasan Kung hindi mo hahanapin ang iyong kahalagahan PURPOSE sa buhay , tayo ay may nakalaan At ang nararapat gawin, ito ay pagtuunan Paano nga naman magiging matagumpay Kung ipipilit na kaalamang di para sa yo, ay aagawin mong tunay Hanapin daw ang sa iyo ay iginuhit At habang nabubuhay, PURPOSE mo ay gawing pilit Very good kids!!!
Simpleng Aralan
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Di mabilang na rules ang dapat sundin Puno ng kasulatang dapat tupdin Bakuran ay kahoy, tuwina ay pinapalitan Napapalibutan ng mahogany ang kapaligiran Puno ng kubo na may tanim na dapat alagaan Pagiging responsable ang aral para sa kabataan Puno ng creative na mga basurahan Pintado ng inaral, sa bawat subject natutunan Ang pinto nito bagaman at walang kasulatan Bawal pumasok ang kabataan sa di kanilang pintuan nag-aanyaya na ito ay pasukan ngunit dahil sa disiplina, rules ay sinusundan Basurahang makukulay na yari sa karton Kanya-kanyang design, upang sa guro ay may itugon Dala-dala sa kantina at saan man magpunta Parang shoulder bag sa ilan, hangad ay disiplina Sa bawat oras Piano ay tumutunog Libangan ng kabataan , oras ay doon umiinog Fluta na umaawit, trumpetang makikisig Classical na tugtugin, puno ay napapahilig Projects at Outputs, asahan mo at galing sa basura Need na i re-use, recycle, yun ang kalakaran talaga Pananim sa bote, ecosystem na inaalagaa
Katanungan
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Nais na tanungin bakit po ganito? Nais na tanungin, minsan nahahapo Nais na tanungin ano ang dahilan? Nais na tanungin ano po ang kulang? Nais na tanungin, isip ay nalilito Nalilito kung ano ang iisipin ng diwang hapo Diwang hapo, sa pagtulong ay di nagkulang Di nagkulang kahit hirap ay walang patlang Kaytagal hinintay, kapag sinabi Nag walang imik ang uming labi Binibilang ang araw, patuloy na hinuhulaan Angkasagutang naglalaro sa isip, tanong ay nasaan Kapahingahan ay nasaan, ano ang hahantungan Bakit nangyayari, ano ang kasalanan Nais na hulaan ngunit hindi na makayanan Hindi na makayanang isipin ang malabong kasagutan Kapahingahan nasan ka, ibulong nag kasagutan sa umaawit na hangin, musika ay sabayan Ipadala na rin sa malungkot na kakahuyan Upang dalahin ng kuliglig, kapahingahan ay masimulan Minsan lubhang nakakapagod kapag di pinagtiwalaan Na may maitutulong kahit pananalita lamang Ang iwasan ay lubhang parang balaraw na nakakasugat Ano nga ba ang kas
ALEXANDER THE GREAT
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Alexander the Great, isa nga bang dapat tingalain Pagiging great niya nga ba AY nararapat damhin Great raw siyang matatawag dahil sa dami ng sinakop Sinakop ng may dahas, upang kapangyarihan ay malukob Magaling na lider, istratehiya ay hahangaan Kayang sakupin halos ang mundo ng may kagaanan Sabi nga tatlo lang ang kanilang kadahilanan GOLD, GLORY and GOD ang basehan GOLD, dahil kakamkamin ang yaman ng bansang sasakupin Upang matustusan ang kapritso na nais nila rin GOD , maaring nais palaganapin Ang pinaniniwalaang Relihiyon na kanilang simulain Ang pinakahuli ay GLORY, upang tingalain ng sinuman Kalakasan, pagkatanyag, maging super Power sa sangkatauhan Ganito ang basehan kaya tinawag siyang Great daw Tama bang sukatan, ang buhay ay nakabase sa talim ng balaraw Ganito ang ating Lipunang kinalalakihan Kanya-kanyang sakop, yaman ay pinaghahawakan Mananakop sa pamamagitan ng pagsira sa katauhan Nagpapayaman upang ipakitang sila ay powerful sa ilan Ngunit ano nga
God's Promise
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
the world never delivers on its promises. Make more money and you'll be happier, get a bigger house and you'll feel satisfied, buy fancier clothes and people will admire you - the materialist's mantra. But there is always a bigger house, someone making more money and a new style that makes your expensive wardrobe obsolete. Pursue things that deliver: take care of each other, love one another and believe in God. These are things that deliver, and that's a promise. Blessing in disguise ito ay natanggap Sa isang application sa FB na minsan lang mahanap Iisa ang nais ipakahulugan ng mensaheng tinuran Huwag manangan sa material na sa langit ay di kailangan Ang pinaka importante ay hindi ang sarili lamang Kundi ang kapuwa na sa atin ay nangangailangan Dahil ang material na bagay sa langit ay walang maipapangako dahil ang pangako ay nakalaan lang sa may tunay na malinis na puso Simulan nang hanapin ang tunay na kasiyahan Hindi ang kasiyahang
Ball
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Life is round, it continues to move everyday To tell us that storm is a part of life, I might say It bounces, it rolls but it will not stop Like a journey we should perform our best, So God will clap Tuloy ang ikot yun ang nais sabihin Kahit may lubak, derecho sa mithiin Kailangang umikot tuloy-tuloy lang Upang marating ang dulo na sa atin ay nailaan HIndi man makinis ang ating daraanan Mabutas man ang kaluluwa natin, derecho lang kaibigan Basta do your Best, hanapin ang purpose sa kapuwa Upang ang ating AMA sa atin ay matuwa
Trumpet
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Blaring sound, I have to announce That we need to be brave when our lives bounce As brilliant as its tone, the truth we should tell So that the right path will sing, together with a bell Nais ipaalala ng trumpetang nasa larawan Na tayo ay nilikha upang siyang kumatawan Kumatawan sa pag aanunsyo ng pawang kabutihan Kabutihan na unti unti nang nilalamon sa ating lipunan Buong tapang na isigaw ang katotohanan Huwag hayaang lupigin ng pawang kabuktutan Isigaw at awitin ang aral na sa iyo ay matututunan Sa gayon sa mundo ikaw ay may nagawang di malilimutan
Pencil
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
I am a pencil, God made me to send a message A message that the lead inside is more important Like me, everyone should leave a mark as we age, God will hold us, and all the blessings He will grant Sabi ng pencil MAKER , laging tatandaan Ang kulay na panlabas ay hindi kailanman tinitingnan Ang tanging titingnan tulad ng isang ito Ay ang nasa kalooban at gaano kalinis ang puso Laging mag-iiwan ng marka sa daraanan Marka sa mundo na ikaw ay may natulungan Burahin ang pagkakamali, dahil maari naman At wag kakaligtaang pahawakan ang buhay sa AMA sa kalangitan
Tree
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
I stood still and stood all the storm, To tell everyone how sturdy I am, My roots hold firm, my faith it forms Contented is my soul, Please tell them. - TREE Nararapat na maging kasing tibay ng puno ang ating buhay Dumating man ang bagyo o suliranin na di maiiwasang sa atin ay papatay Just hold firm sabi nga , tulad ng ugat sa lupa Hawak na mabuti sa ating pananampalataya Mula sa puno aral ay dalahin Nawa ay ilagay ito sa inyong damdamin Magpasalamat itaas ang kamay at manalagin Manalanging walang humpay sa lumikha sa atin...
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
God is really good minsan di lang natin pansin Laging nasa isip ay ang kasamaan kung lilimiin Ngunit ang MIRACLES sabi nga minsan ay maliit mata natin ay nakatuon, sa malalaki lang ipinipilit Malaking milagro agad na hinahanap Ngunit kapag di nakita disappointment ang hagap sabi nga simpleng pagkakita sa nawawalang susi Isang maliit na milagro, di lang natin mawari God is really good, blessing niya ay nakakalat Dumarating sa oras na hindi naman natin hanap Halos pagsuko ay akapin kapag pag- asa ay nagpapaalam Ngunit biglang durungaw ang milagro, sa ating harapan Kaya huwag mawawalan ng pag-asa, sa oras ng kadiliman Kahit pa buong sambayanan ikaw ay iwanan God is really good, ilagay sa isipan Hinding-hindi tayo NIYA kailanman pababayaan
Paglalakbay
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Ang buhay ay isang paglalakbay Mahirap tanggihan itong tunay Kailangang lumakad upang dulo ay marating Kahit ano pa ang sa daan ay masaling Ang buhay ay isang masayang paglalakbay Pagkatuto ay nasa atin upang hawakan ang pagkasanay Masayang kaibigan, masayang karanasan Ano pa ang hahanapin, blessing ay nariyan Ang buhay minsan ay hindi masaya ang hinaharap Nariyan ang sakit ng loob, puno ng hirap Ngunit kung ito ay nakasulat walang magagawa kundi akapin Akapin ng buong higpit, hirap ay harapin Ang buhay ay isang paglalakbay Sa paglakad may balok na sa atin ay papatay Ngunit nararapat na bumangon, agad sundan Ang tatahaking daan, na sa buhay natin nakalaan Ang mahalaga na dapat isaisip mandin Nariyan ang Diyos na sa atin nagmamahal din Siya ang araw ang buwan at tala na tatanglaw sa paglalakbay Sa paglalakbay natin sa mundong sa buhay natin ay alay
Blessing must FLOW outwardly !
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Buksan ang palad tulad ng banaba na kay tikas Handang magbigay ng anumang panlunas Palad ay iabot sa kumakaway na abang tao Tulad ng banaba na waring may puso God blessed us for us to bless others Do not let your blessing, fail forever He who hoards loses too much Just let your blessing flow, other life should be touched! Thus, God will take care of our life He will not put us in darkness or strife Find someone, blessing you should share We must serve others, rather than just care
Koreksyonal,,,ala-alang naparam
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Isang daang preso, Puno ng katandaan Nakulong ang lola ,Away sa lupa ang dahilan Ang masaklap, sariling lola ay pinarusahan Hindi malinaw kung bakit nangyari, sana malinawan Ganid na sangkatauhan hirap intindihin Falsification of Document ang kasalanan mandin Ngunit ang lola, pagsulat ng pangalan ay di maalam Letra lang at numero ay nahihirapan Idiniin ng apo raw, hinarang pa ang kalayaan Paano nagagawa ito ng dahil lang sa lupang tinatapakan Ganid na sangkatauhan, nasan na ang iyong awa Sa langit ang nararapat ipunin ay yamang di mawawala Liberty, isang preso na nangako na si Nanay rose ay alagaan Dahil hindi man lang dinadalaw ng anak na iisa lang Ito ang patunay na kahit masamang tao ay may pusong bukal Dangan lamang at ang kapalaran nila ay di maganda ang halal Kaya isang malaking aral sa ating lahat Na walang may karapatan na sakit ng salita sa atin ay ilapat Sapagkat lahat tayo ay hindi kalinisan Ang nararapat…..tingnan ang sariling
MARAMING SALAMAT PO !! (pasasalamat sa pagbati)
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
tak,tak,takatak ang tunog ng tikladang tunay tiklada ng keyboard na oras ang bigay oras na binigay upang ipahatid ang pagbati sa kaarawan pagbati sa taong minsan sa FB lang nakita ang larawan Sabi nga, we have different gifts, di lang material A gift of time and compliment maaaring ibigay Ibigay kahit kanino, iextend ang sarili Dahil sa mundo tayo ay may kapuwa, at di dapat maging makasarili Salamat po, masasabing bawat isa sa atin ay mapalad Dahil may natitira pa sa atin na kapuwa, na di huwad Tunay na katauhan, san nga ba makikilala Simple lang po,,,sa mga tao rin na sa atin ay naniniwala Salamat po, sa pangkat ng mga kamag-anak Pati na rin sa mga tunay na kaibigan na di nanghahamak Sa mga kasama kong kabataan sa paaralan Pati na rin sa ilang mabubuting tao sa pamayanan Salamat po sa mga kasamahan ko at kaklase sa Unibersidad Sa pamantasan na puno ng Musika, na sa buhay ko ay nagbigay palad Sa aking mga nakasama sa Makiling, guro man o kabataan Sa lahat ng ta