PESTENG LAMOK

Lamok tusok ka ng tusok
Dugo ng kapuwa mo kinukuha ng iyong turok
Parasite na hayop, nabubuhay dahil sa kapuwa
Pagkatapos, iba pa ang masama

Halos ibigay ng libre ang dugo na kailangan
Tuwang-tuwa dahil libreng libre nga naman
Ngunit kapag wala nang makuha
Paninira ay bubulwak sa bibig na walang kwenta

Halos napagaling, inalaagaan ng buong buhay
Hindi man lang marunong tingnan ang kabutihang naibigay
Nakukuha pang lumipad at ipamalita sa balana
Na ang bumuo sa kanilang katauhan ay wala raw kwenta

O lamok, tusok ka nang tusok kahit saan
Matuto kang itikom ang bibig bilang paggalang
Alalahanin  mo na ang bumubuhay na dugo mo sa iyong katawan
Galing sa mga walang” kwenta” sabi mo nga…na iyong pinaggalingan.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness