Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Itaas at ibaba. Mayaman at mahirap. Boss at alipin. Magaling at bobo. Ano pa? Ang mga pang-uri na kalimitan ay magkatunggali, magkasalungat, magka- iba ng ibig sabihin. Ang Una at ikalawang kabanata sa EL FILIBUSTERISMO ni Dr. Jose Rizal ay naglalarawan ng isang napakalinaw na pagkakahati sa lipunan. Narito ang ilan :
1. BAPOR TABO - Isang sasakyang pandagat na naglalarawan ng ating pamahalaan. Ang bilog na hugis nito ay nagpapahayag nang walang kasiguraduhang lakad ng ating pamahaaan sa pamamahala ng mga dayuhan. Ang pakulapol ( the paint was only splashed) na pintura nito ay isang pagtatakip sa tunay na anyo ng ating bulok na gobyerno. Sapagkat kapag ang isang bagay na may kalawang kahit pintahan ito ay kakalawangin pa rin. Hanggat nasa gobyerno ang mga taong walang pagmamahal sa sariling bayan, mananatili tayong isang kalawanging bansa.
2. TAAS NG KUBYERTA sa itaas ng ng deck o kubyerta, naroon ang mga mayayamang nagpapagalingan ng kanilang kakayahan. Napapabilang dito ang mga kastila, mga prayle at ang mga taong may sinabi sa lipunan. Naroon ang nagtatalong simbahan at pamahalaan, sapagkat noong panahon na iyon ay hindi hiwalay ang kapangyarihan ng simbahan at pamahalaan.
3. IBABA NG KUBYERTA - sa ibaba ng kubyerta naroon ang mga pilipino na nagsisiksikan. Ang mga pilipinog tunay na nagmamay-ari ng lupa. Pilipinong sa tingin ng mga Imperyalistang banyaga ay mahihina, mangmang at walang alam. Ngunit doon din makikita ang dalawang matapang na kabataan na may pangarap, sila ay sina Basilio at Isagani. May pangarap na ipagtanggol ang ating bansa laban sa kaaway. Nakakalungkot lamang isipin na mula sa ating bagong henerasyon ay walang makitang tulad ni BASILIO at ISAGANI. Karamihan sa ating mga kabataan ay nilamon na nang makabagong panahon, ang maging sakim, maging self-centered at ang pagkawala ng pag-ibig sa bayan.
Isang napakaliwanag na pagtutulad ang bapor TABO sa takbo ng ating pamahalaan, Ang pamahalaang hindi makausad dahil pinapatakbo ng mga walang malasakit na nasa tikin. Walang pag-usad dahil ipinapakita sa lahat ang pagkakahati sa lipunan, ang paglalagay ng hati ng mahihirap at mayayaman, ang magagaling at hindi, ang mga ipinanganak sa kapangyarihan at sa pagiging alipin.
Wika nga ng isang quote " IN HEAVEN THERE IS NO DISTINCTION BETWEEN EAST AND WEST" .....Sa mata ng MAYKAPAl ang lahat ay pantay-pantay, ....walang mayaman o mahirap,,,
BAPOR TABO |
,
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga sikat na post sa blog na ito
PESTENG LAMOK
Lamok tusok ka ng tusok Dugo ng kapuwa mo kinukuha ng iyong turok Parasite na hayop, nabubuhay dahil sa kapuwa Pagkatapos, iba pa ang masama Halos ibigay ng libre ang dugo na kailangan Tuwang-tuwa dahil libreng libre nga naman Ngunit kapag wala nang makuha Paninira ay bubulwak sa bibig na walang kwenta Halos napagaling, inalaagaan ng buong buhay Hindi man lang marunong tingnan ang kabutihang naibigay Nakukuha pang lumipad at ipamalita sa balana Na ang bumuo sa kanilang katauhan ay wala raw kwenta O lamok, tusok ka nang tusok kahit saan Matuto kang itikom ang bibig bilang paggalang Alalahanin mo na ang bumubuhay na dugo mo sa iyong katawan Galing sa mga walang” kwenta” sabi mo nga…na iyong pinaggalingan.
Real Happiness
"The happiest people aren't necessarily the ones with the most good fortune or wealth, they are the ones who share whatever they have to others" Patuloy na pagbabahagi ay gagampanan Kahit pa pagdating ng araw ikaw ay kalimutan Katungkulan sa ating kapuwa sa kapaligiran Patuloy na hahàwakan anuman ang hadlang Parang piso na naibahagi mula sa puso Hindi kailangang sukatin ng mayamang tuso Kaalamang sa atin na naipahiram Paalala, ang ibahagi ito ay ating katungkulan Kahit pakikinig ay sapat na Sapat upang pagtulong ay ialay sa kapuwa Parang ating musika na umaawit Kailangang sa ating kapuwa ay masambit Gasino na ang ating alayan Ng kakaunting halaga sa blessing na natanggap naman Ibahagi kahit ang oras kaysa masayang At least ang buhay natin ay nagkaroon ng kasaysayan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento