Mga Post

MUSICAL FORM

Imahe
 TERNARY FORM  - A B A form

PARISEYO SA LIPUNAN

Imahe
  Sisi roon, sisi rito Naglabasan ang mga pariseyo Gitna ng pandemya hindi solusyon ang hanapin Laging butas at lubak ang sisipatin Edukasyon ay nasadlak sa hirap Tuloy para maabot ang kanilang pangarap Kahit halos walang kabayaran Derecho para sa bokasyon nakagisnan Sisi roon, Sisi rito Naglabasan ang magagaling na Pariseyo Hindi ituon ang mga sarili sa solusyon laging hinahanap ay problemang nais magbaon Matatalinong mga mangmang sa lipunan Hindi naman makitang tumayo at nanguna sa kasagutan Sisi roon sisi rito ang alam Gayong sariling bakuran ay nalalampasan.

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Imahe
    Itaas at ibaba. Mayaman at mahirap. Boss at alipin. Magaling at bobo. Ano pa? Ang mga pang-uri na kalimitan ay magkatunggali, magkasalungat, magka- iba ng ibig sabihin. Ang Una at ikalawang kabanata sa EL FILIBUSTERISMO ni Dr. Jose Rizal ay naglalarawan ng isang napakalinaw na pagkakahati sa lipunan. Narito ang ilan : 1. BAPOR TABO - Isang sasakyang pandagat na naglalarawan ng ating pamahalaan.  Ang bilog na hugis nito ay nagpapahayag nang walang kasiguraduhang lakad ng ating pamahaaan sa pamamahala ng mga dayuhan. Ang pakulapol ( the paint was only splashed) na pintura nito ay isang pagtatakip sa tunay na anyo ng ating bulok na gobyerno. Sapagkat kapag ang isang bagay na may kalawang kahit pintahan ito ay kakalawangin pa rin. Hanggat nasa gobyerno ang mga taong walang pagmamahal sa sariling bayan, mananatili tayong isang kalawanging bansa. 2. TAAS NG KUBYERTA sa itaas ng ng deck o kubyerta, naroon ang mga mayayamang nagpapagalingan ng kanilang kakayahan. Napapabilang dito an

ISANG SALU-SALO

Imahe
Minsan napakalaki ng katamaan sa nais iparating ni Jose Rizal sa mga Pilipino. Ang kanyang nobela ang nagpapahayag ng kung ano ang ating lipunan. Unahin na natin sa kabanatang may pamagat na isang salu-salo. Na kung saan naghanda si Kapitan Tiyago ng isang salu-salo para kay Crisostomo Ibarra. Nailarawan doon ang kakanyahan o masamang nakaugalian ng ating mga kababayan at narito ang mga sumusunod: 1. Ang paghangos ng mga bisita o panauhin kahit walang imbitasyon.         Isang napakaliwanag na haimbawa ng ugali na makikita sa karamihan ng pinoy. Ang nakikikain kahit walang imbitasyo. Ang pagdagsa sa kapistahan kahit hindi imbitado, ang pagpila sa kainan kahit hindi kakilala ang may-ari ng bahay.  2. Ang paghahanda at pagbubukas ng bahay para lamang sa isang napakalaking salu-salo.     Ito ay isang halimbawa ng pagmamalaki upang maipakita lamang sa buong bayan na ang naghahanda ay isang mayaman. Nagkakautang sa mga 5-6 para lamang masunod ang luho ng mga anak, pipiliting maghand

KREDIT KARD

Imahe
Basahin mo ang mensahe na nais iparating Nang larawang pupukaw sa iyong paningin CRedit card ng mayayaman, dukha ay wala niyan Ngunit ang katotohanan nakatago sa likuran, Bihis na iba-iba, branded pa yan! Di baleng utang basta siya ay hangaan Pose run at rito, para like ay bilangin Kahit nagkakanda kuba na ang provider, ok pa rin. Nais hangaan ng tao, ngunit pinapatay naman inaasahan, Kulay ng buhok, paunat, pakulot, credit card naman ay nariyan, Ngunit patuloy na pinapatay ang mahal sa buhay, Walang pakialam, kahit mamatay sa kakahanapbuhay Relo na di mabilang, pares- pares na alahas, Ngunit wala namang gawa kundi humilata na parang ahas, Credit Card, pakitang tao ang yaman, Ngunit patuloy na pinapatay ang taong "inaasahan" Tsk.tsk. Bangon, kilos, Trabaho ay hanapin ng mata, Bumangon sa nakagisnang luho wag pahirapan ang iba, Kaawa awa ang "provider" na walang tigil sa hanapbuhay Pinapatay mo na araw-araw dahil sa kayabangang taglay

PESTENG LAMOK

Imahe
Lamok tusok ka ng tusok Dugo ng kapuwa mo kinukuha ng iyong turok Parasite na hayop, nabubuhay dahil sa kapuwa Pagkatapos, iba pa ang masama Halos ibigay ng libre ang dugo na kailangan Tuwang-tuwa dahil libreng libre nga naman Ngunit kapag wala nang makuha Paninira ay bubulwak sa bibig na walang kwenta Halos napagaling, inalaagaan ng buong buhay Hindi man lang marunong tingnan ang kabutihang naibigay Nakukuha pang lumipad at ipamalita sa balana Na ang bumuo sa kanilang katauhan ay wala raw kwenta O lamok, tusok ka nang tusok kahit saan Matuto kang itikom ang bibig bilang paggalang Alalahanin  mo na ang bumubuhay na dugo mo sa iyong katawan Galing sa mga walang” kwenta” sabi mo nga…na iyong pinaggalingan.