ISANG SALU-SALO



Minsan napakalaki ng katamaan sa nais iparating ni Jose Rizal sa mga Pilipino. Ang kanyang nobela ang nagpapahayag ng kung ano ang ating lipunan. Unahin na natin sa kabanatang may pamagat na isang salu-salo. Na kung saan naghanda si Kapitan Tiyago ng isang salu-salo para kay Crisostomo Ibarra. Nailarawan doon ang kakanyahan o masamang nakaugalian ng ating mga kababayan at narito ang mga sumusunod:

1. Ang paghangos ng mga bisita o panauhin kahit walang imbitasyon.
        Isang napakaliwanag na haimbawa ng ugali na makikita sa karamihan ng pinoy. Ang nakikikain kahit walang imbitasyo. Ang pagdagsa sa kapistahan kahit hindi imbitado, ang pagpila sa kainan kahit hindi kakilala ang may-ari ng bahay. 

2. Ang paghahanda at pagbubukas ng bahay para lamang sa isang napakalaking salu-salo.
    Ito ay isang halimbawa ng pagmamalaki upang maipakita lamang sa buong bayan na ang naghahanda ay isang mayaman. Nagkakautang sa mga 5-6 para lamang masunod ang luho ng mga anak, pipiliting maghanda sa kaaawaran kahit mabaon sa utang, pipiliting maging magarbo ang isang kaarawan kahit pagkatapos ay nakatunganga lamang. 

3. Ang pagpapakilala ni Jose Rizal sa mga Donya Victorina ng bayan.
  Napakaraming Donya Victorina sa ating lipunan. Sila ay mga taong pinipilit mag suot ng mga branded na gamit upang maging Peymus sa karamihan. Social climber ang peg sabi nga. Mahilig magpagandahan ng kasuotan sa simbahan gayong paglabas naman ang bibig ay at isipan ay nag sisiusok sa mga kasamaan.

4. Ang pagpapakilala sa pagiging Hospitable ng mga pinoy.
   May mga katangian naman na magaganda ang binigkas sa nobela. Dito ay naihalintulad ni Rizal ang bahay ni Kapitan sa Tiyago sa ating bansang Pilipinas. Ang bansa na laging bukas para sa lahat, hospitable sa kahit sino na sa dako pa roon ay nakakasama pa rin. Bakit? Masyadong bukas ang ating kapuluan sa lahat ng mga banyaga na nagnanais pumasok sa ating teritoryo. Masyadong bukas sa pakikipagkaibigan na ang kinakauwian naman ay ang pagkubkob sa ating soberanya...



#kabanata 1
noli me tangere


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PESTENG LAMOK

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Real Happiness