Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2017

Sa ITAAS AT IBABA NG KUBYERTA

Imahe
    Itaas at ibaba. Mayaman at mahirap. Boss at alipin. Magaling at bobo. Ano pa? Ang mga pang-uri na kalimitan ay magkatunggali, magkasalungat, magka- iba ng ibig sabihin. Ang Una at ikalawang kabanata sa EL FILIBUSTERISMO ni Dr. Jose Rizal ay naglalarawan ng isang napakalinaw na pagkakahati sa lipunan. Narito ang ilan : 1. BAPOR TABO - Isang sasakyang pandagat na naglalarawan ng ating pamahalaan.  Ang bilog na hugis nito ay nagpapahayag nang walang kasiguraduhang lakad ng ating pamahaaan sa pamamahala ng mga dayuhan. Ang pakulapol ( the paint was only splashed) na pintura nito ay isang pagtatakip sa tunay na anyo ng ating bulok na gobyerno. Sapagkat kapag ang isang bagay na may kalawang kahit pintahan ito ay kakalawangin pa rin. Hanggat nasa gobyerno ang mga taong walang pagmamahal sa sariling bayan, mananatili tayong isang kalawanging bansa. 2. TAAS NG KUBYERTA sa itaas ng ng deck o kubyerta, naroon ang mga mayayamang nagpapagalingan ng kanilang kakayahan. Napapabilang dito an

ISANG SALU-SALO

Imahe
Minsan napakalaki ng katamaan sa nais iparating ni Jose Rizal sa mga Pilipino. Ang kanyang nobela ang nagpapahayag ng kung ano ang ating lipunan. Unahin na natin sa kabanatang may pamagat na isang salu-salo. Na kung saan naghanda si Kapitan Tiyago ng isang salu-salo para kay Crisostomo Ibarra. Nailarawan doon ang kakanyahan o masamang nakaugalian ng ating mga kababayan at narito ang mga sumusunod: 1. Ang paghangos ng mga bisita o panauhin kahit walang imbitasyon.         Isang napakaliwanag na haimbawa ng ugali na makikita sa karamihan ng pinoy. Ang nakikikain kahit walang imbitasyo. Ang pagdagsa sa kapistahan kahit hindi imbitado, ang pagpila sa kainan kahit hindi kakilala ang may-ari ng bahay.  2. Ang paghahanda at pagbubukas ng bahay para lamang sa isang napakalaking salu-salo.     Ito ay isang halimbawa ng pagmamalaki upang maipakita lamang sa buong bayan na ang naghahanda ay isang mayaman. Nagkakautang sa mga 5-6 para lamang masunod ang luho ng mga anak, pipiliting maghand