Mga Post
Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2014
Daan
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Parang manhid na ang paa, ayaw nang humakbang Manhid na ang kamay , pagsulat ay may puwang Pagtitig sa isang bagay, sobrang kay lalim Ganoon pa rin ang katanungan, kailang lilipas ang dilim Tuloy ang pagtibok, wika ay ay tuloy lang Tulad ng pagdaloy ng dugo na walang patlang Kailangang gampanan, kahit pagod ay idinidiin tumindig, hinga ng malalim, yun na lang ang sundin Lakad, lakad, lakad lang, sa journey na nakalaan Lakad , lakad , lakad lang .....hanggang sa nararapat patunguhan
Palaka sa Ibaba
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Kailangan nga bang makipagtalo sa palaka Makilusong sa pond upang maki haka-haka? Kumokak, kokak manlait ng ilan Hanggang mapagod ang kumokokak na lalamunan Tanging nalalaman kahit ikaw ay mag kokokak HIndi naman titigil ang palakang buhay ay wasak Buhay na wasak ay hanggang doon lang sa pusali Dahil sa pangwawasak sa kapuwa na kanilang pinili
All is well
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
all is well. All is going according to plan. Trust that there is a bigger picture. Trust that life is unfolding as it should. Katanungan sa ating isip minsan nagsasalimbayan Halos hindi na maalis sa ating kaisipan Bakit ganoon? Bakit ganito? Anong dapat unahin Halos hindi na makakilos parang nasa dagat na madilim Bibig na mapanakit , nakangiti pang parang uwak Matang mapanghusga parang kuwago sa gubat na kay lawak Tengang kay linaw ngunit hindi makarinig Makarinig ng tama kundi sa dilim nakahilig Mayayamang mapang-api kaytalas ng bibig Sing talas ng bolo dugo ang nais lumabas hindi tubig Mukha ay nakatago sa ngiting walang katotohanan Ngunit ang totoo, hungkag na masaya naman ang kalooban Daliri ay laging nakaturo sa kapuwang nasa harapan Ngunit ang kamalian sa sarili ay di naman mabilang Magaling humusga talo pa ang Ama sa kalangitan Isang maling kabanalan, yun ang relihiyong walang katotohanan Hinga na lang ng malalim, all will be