Mga Post
Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2014
ALONZO MOURNING...isang EPITOMIYA
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
ALONZO MOURNING ang kanyang pangalan Tanyag na basketbolista sa USA na bayan Mula ng magkahiwalay ang kanyang magulang Siya ay inampon ni Fannie Threet, isang Good Samaritan Isang basketball iconic coach ang nakagisnang nanay Kaya siya ay nai-train sa basketball na tunay Isang tao na hindi nagdamot na gumabay Kahit sa hindi niya kakilala sa tanang buhay Sumikat sa basketball , siya ay hinangaan Ngunit isang araw sakit sa kidney ay lumitaw Isang threat na maaring magpatigil sa kanyang kasikatan Ngunit ito pala ang magpapabago sa buhay na nakagisnan Naoperahan, gumaling pangalawang buhay ay nakamtan Doon niya nakita ang purpose ng buhay na sa kanya ay laan Ang galling sa basketball naging daan upang maging philanthropist din Ang tumulong sa kapuwa ng buong damdamin Nagpatayo siya ng Overtown Youth Center, isang tirahan Naging tirahan ng halos 400 na mga batang lansangan Nagpagraduate ng hindi mabilang na kabataan At naging fund raiser ng K
Katauhan sa Salamin
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Kasalanan nais mo bang makita? Humanap ng salamin at tingnan gamit ang mata Ituro ng hintuturo ang katauhan sa salamin Ituro ang sarili, kasalanan mo ay iyong hanapin Bibig na naibukas, tama ba ang tinuran Tanungin ang katauhang nasa iyong harapan Languyin muna ang dagat na kay lawak Bago tuldukan at simulan ang panghahamak Maghukay alamin kung ano ang pinagmulan Baka ang katauhan sa salamin ang may kagagawan pakatitigan ang mukha mo at balikan Balikan ang panahon, kung san nagsimula ang dahilan Sukatan ng pakikipagkapuwa, sinusukat sa pagiging donya victorina Gayong maanghang na salita naman ang ibinubuga Sirkulo ng isang tao ay may kaibahan sa iba Kaya kumparasyon ay walang halaga Titigan ang sarili sa salamin Gamitin ang kandila magdasal na mataimtim Upang makita ng maliwanag ang dumi sa katauhan duming dapat na unahin bago ang ilang taong walang kinalaman Wag kalimutan ang tao sa salamin Siya lang ang ang makakapagpapa alala ng